All I need is Jesus
All I need is Jesus. At uunahan ko ang mga pilosopong Tasyo na hindi na pala kailangan ang pagkain, bibigyan ko ng linaw- si Jesus ang aking kailangan para sa espirituwal na kaligtasan at pagkakaroon ng kahulugan ng buhay.
Una sa lahat kailangan ko si Jesus upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Malinaw ang Kasulatan, ang buhay na walang hanggan ay para sa mga mananampalataya kay Jesus, Juan 3:16. Hindi sinabing ang buhay na walang hanggan ay para sa mga kaanib ng partikular na relihiyon o sa mga masipag magsimba o generous sa pag-aabuloy. Ang pangako ay buhay na walang hanggan ay para sa mga nanampalataya kay Jesus at hindi sa kung sino at ano.
Bukod diyan, Siya rin ang aking kailangan upang magkaroon ng kahulugan ang buhay. Nakalulungkot na madalas dito hulog ang mga Cristiano. Marami ang nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ngunit naghahanap ng kahulugan ng buhay sa sanlibutan. Iniisip nilang ang kahulugan ng buhay ay makikita sa pagkakaroon ng titulo, kayamanan o kapangyarihan. Ayon kay Solomon, ito ay futility (ang kaniyang eksperimento ay natala sa Aklat ng Ecclesiastes).
Si Jesus ang nagbibigay kahulugan sa ating buhay. Siya ang nagbibigay ng tunay na kasiyahan. Ang alok ng sanlibutan ay lumilipas and usually comes with strings attached or fine prints. Akala mo tunay na kasiyahan but actually you'll pay later. But not with Jesus, He gives true and inner happiness na hindi nakasalalay sa panlabas na sirkumstansiya. That is why Christians can be happy even in prison.
He gives strength to face tomorrow. Maraming taong nakaranas ng tugatog ng tagumpay ang kinikitil ang kanilang buhay because they can't find the strength to face life's problems. They are happy only when things are going well. But when things go south, they give up at once. Jesus gives strength to everyone who believes in Him (by this time you know na favorite ko ang Eph 1:19ff).
He is our unconditional Lover. Sa mundong ang pag-ibig ay sinusukat sa performance, Jesus will love you as you are. Yes He wanted your holiness but He loves you even while still a sinner and to prove that He died for you, Romans 5:8. Marami ang hindi kayang tanggapin ang ating nakalipas. Ngunit mamahalin ka ni Cristo, kahit sino ka man.
He forgives. People can't forgive. He does. Marami sa atin ang alipin ng ating nakalipas at hindi mapatawad ang ating sarili. Maraming taong hindi tayo kayang patawarin. But Christ can and will if you ask Him too. 1 John 1:9 says all you need to do is to confess your sins, 1 John 2:2 says how. He is the propitiation and the ground for forgiveness. Come to Him if you feel heavy because you can't forgive yourself.
We need to belong. Minsan we go to the world for acceptance. We have been looking for meaning in all the wrong places. Find life and abundant life in Christ. You won't be disappointed.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment