Christian fellowship is sharing life together
Mahilig ang mga Cristiano sa fellowships. Unfortunately marami ang may maling pagkaunawa nito. Iniisip nila ang fellowship bilang isang uri ng social gathering.
Fellowship kapag may kainan, fellowship kapag may camps, fellowship kapag may kantahan.
But at the core of the word fellowship is sharing of life together.
To have fellowship with another Christian is to enter into life with him.
That means being part of his laughter and sorrows.
Maraming mahilig sa fellowship and hindi man lang kayang buksan ang pitaka upang tugunan ang pangangailangan ng isang kapatid. Ironically these same people will contribute sa inuman.
Maraming mahilig sa fellowship ang hindi mo makita kapag week days. Hindi mo sila maistorbo upang iyakan ng problema. Pero kapag Linggo, nakikipag-unahan pa sila sa "fellowship."
If you want fellowship, start with kindness. Ano ba ang pangangailangan ng isang kapatid na maaari mong tugunan?
Paano mo siya maaalalayan upang mapalapit sa Ama?
Handa ka maglaan ng oras, kayamanan at lakas para sa kaniya.
Otherwise fellowship becomes an empty word. Just a churchinese we use to describe mutual admiration societies. Scratch my back and I will scratch yours. Shallow. Superficial. Walang depth. Walang lasting effect.
If you can't be kind to a brother, how do you expect the unbelievers to trust us?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment