Masyado ka kasing literal

 


I remember during the pandemic may co-teacher ako na ayaw magpabakuna dahil naniniwala siyang ito ang mark of the Beast. When I challenge her kung ano ang pangalan ng Beast, kung Sinovac ba o Moderna, nagalit siya. Masyado raw akong literal. 

But the text says that the number is the name of the Beast. 

Nagalit din siya nang tanungin ko kung sa noo ba tinuturok ang bakuna at bakit may tinuturukan sa kaliwang kamay.

Jesus took the Bible literally. Nang sinabi ni Micas na sa Bethlehem ipanganganak ang isang mamumuno, hindi niya tinutukoy ang Pilipinas. Ang Israel ay literal na lupain sa Gitnang Silangan at hindi bansa sa Pasipiko. Si Adan at si Eba ay mga literal na tao at hindi mga simbolo. Ang unang mag-asawa ay Adan at Eba, hindi Adan at Adan o Eba at Eba. 

Ang ahas ay hindi manok at ang Eden ay aktuwal na lugar. 

There is no reason not to take the Bible literally.

Of course we understand that it uses metaphors and symbols but even these refer to literal things. 

Ang mahirap sa atin ay we don't subject ourselves to God's authority and we create our own Scriptures. Hindi tayo masapatang tanggapin kung ano ang sinasabi ng Panginoon. We have to create our own meaning. 

If we will just accept the Bible as God's revelation intended to be understood, we will stop treating it as an esoteric book. God entered our experience because we don't have the frame of reference to understand eternity. That's why He uses our language. He spoke in a way we can understand. 

Tigilan nating i-spiritualize ang Bible and start reading it literally. We'll be surprised sa mensaheng gusto ng Diyos na ating maunawaan. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION