Capture the moment

 


I always consider myself unemotional. Pero nang umuwi ang aking anak na babae mula sa Manila, hindi ko maiwasang maemosyon. Ni hindi ako makapagsalita ng diretso. 

We're expecting her on the 22nd dahil iyon ang sinabi niya. Kaya nagulat kami ng sinorpresa niya kami ng 20th. 

That's when I realize I really miss my daughter. For sure mamimiss ko rin si Nash Ephraim kapag nagkolehiyo na siya, lalo pa at kaduo ko siya sa ML. We spend more times together. 

If there's one thing na pumasok sa aking isipan ay I should have created more memories sa aking pamilya. Should have scolded them less and say I love you more. Took more photos. Hug and talk with them more. Dahil ngayong malaki na sila, they are forging their own paths and I have to admit, I will not always be there with them. 

In the end, only memories will remain. 

Mabuti nga at may technologies na. Even if malayo sila, we can audio- and video call. We can chat and text each other. Pero hindi pa rin substitute ang technology sa face to face interaction. 

Kaya huwag nating sayangin ang panahon. Ang mga bata ay lumalaki and they will not be around forever. Tayo ay tumatanda. We will not be around forever.

Tomorrow is not guaranteed at ang past ay hindi marerewind. The only time we have is now. So seize and capture the moment. 

Someday the only way we can relive the moment is by looking at pictures and videos. Way better than nothing. 

Time will pass but those captured on films will stay. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION