Not only hearers but doers also

 


Studying the Word of God is very important. I am saying this not because my gift is teaching but because even if I don't teach (and I leave the pulpit ministry from January to May this year) the things you learn from studying the Word of God edify you to maturity. 

However, at malaking however ito, may mga pagkakataong ang Bible study ay nagiging boxes check-an. Maraming Cristianong nagsisimba kada Linggo not because they wanted to learn but because they're expected to. Natatakot silang sabihang worldly kapag um-absent sa simbahan. 

If you are in a good Bible teaching church you're probably learning a lot about the Bible. But if you're not doing anything about what you learn, nasasayang ito. Tila ito pagkain na nilulunok nang hindi nginunguya. Ang resulta ay hindi napapakinabangan ang bitamina at mineral na nasa pagkain. 

Most of us didn't need more Bible studies. What we need is more applications. 

May mga taong halos araw-araw na nasa simbahan dahil fully packed ang kanilang schedule sa Bible studies. Naalala ko ang libro ni Howard Hendrick's na Heaven Helps the Home: nagiging karibal ang simbahan ng tahanan. 

I am not saying na masama ang mag Bible studies. They are important. I am saying samahan natin ng aplikasyon. 

Kung ang pagba-Bible studies ay nagiging bragging rights (as in ako ay mas madalas magsimba kaysa sa iyo), I think we fundamentally misunderstood the purpose of studying the Bible.

We sound more like the Pharisee of Luke 18 kaysa sa Christian ng James 1:21ss. 

We need to live the truth we learned. Kahit sa school hindi nagmo-move sa next lesson ang teacher until hindi nagpapakita ng reasonable na pagkatuto (demonstrated sa aplikasyon- hence the performance tasks) ang mga estudyante. 

Huwag tayong maging gaya ng mga relihiyonistang sinisikap maligtas sa pamamagitan ng pagsisimba. Let us attend the church with the intention of learning and applying the Word of God. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION