I have so many things to be thankful

 


Kahapon we celebrated our 6th Thanksgiving Celebration. We thanked God for giving us 6 years of gathering together in His name. 

But more than that, I personally have so many things to thank God for. I thank God first and foremost that He found me worthy na pagtiwalaan ng aking asawa at mga anak. 

I thank God na lahat na miyembro ng aking pamilya ay nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. I thank God na personal kong dinala sa pananampalataya ang aking mga anak. I prayed na magpatuloy sila sa pananampalataya. 

I thank God na sa panahong maraming pamilya ang naghihiwalay, buo pa ang aking pamilya. I prayed to God that it stays that way.

I thank God na kahit hindi kami laging nagkakasundo, anumang hindi namin pagkakaunawaan, so far lahat naman ay nadaraan sa usapan. I prayed to God na manatili ito. 

I thank God na may mga pagkakataon kaming lumabas paminsan-minsan. I understand that this means magsasardinas kami in days to come. But I am fully convinced it is worth it. 

Lord I pray na sana bantayan at ingatan mo lagi ang aking pamilya. I recognize that by myself, I can't always protect them. So I entrust them to you. And I am thanking You in advance. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION