HAPPY FATHER'S DAY! Ang Diyos Ama Ba Ay Kagaya ng Aking Ama?, Part 5

 


Bilang Ama ng mga mananampalataya kay Cristo, Juan 1:12; Gal 3:26, ang Diyos ang nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Dinirinig Niya ang ating mga panalangin, Mat 7:7-11, at dinidisiplina kung kinakailangan, Heb 12:3-11. Dahil Siya ang ating ama, Siya ay laging nariyan personally, emotionally and socially. 

Ibinigay ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa mga mananampalataya kay Cristo, Roma 8:32: Ef 1:3. Kabilang sa "lahat ng mga bagay" ang mga sumusunod:

1. Malapit sa biyaya Ef 2:8

2. Inampon bilang Anak ng Diyos, Gal 4:3-7

3. Tumanggap ng mana, Gawa 26:18

4. Hinirang, 1 Ped 1:2; Ef 1:4; Juan 15:16

5. Anak ng Diyos, Juan 1:12; 1 Juan 3:1

6. Mamamayan ng langit, Fil 3:20

7. Tagapagmana ng Diyos, Roma 8:17; Gal 3:29

8. Bagong Nilalang 2 Cor 5:17

9. Alipin ng Diyos, Roma 6:22

10. Saserdote ng Diyos, 1 Ped 2:9

11. Pakikipagkasundo sa Diyos, Roma 5:10; Ef 2:12

12. Pinagpaging banal, 1 Cor 6:11

13. May pagkalinga ng Diyos Anak, Ef 1:6

14. Binautismuhan sa Katawan ni Cristo, 1 Cor 12:13; Gal 3:27

15. Nailibing na kasama ni Cristo, Roma 6:4.

16. Espesyal na relasyon sa pagitan ng Diyos at ng Kaniyang mga anak, Mat 23:9

17. May pakikisama sa Ama at sa Anak, 1 Juan 1:3

18. May eternal na seguridad dahil siya ay nasa kamay ng Diyos, Juan 10:29

Si L. S. Chafer ay may nilistang 33 na kayamanan ng biyaya. Si Alban Douglas ay may 38 at si R. B. Thieme ay may 40. Si Henry Hastings ay may 65 na dibinong gawa ng biyaya at may dokumento akong nagsasabing may 218 na bagay na ginawa ang Diyos para sa mananampalataya sa sandali ng kaligtasan. Hindi mahalaga ang bilang kundi kung alam natin at ginagamit ang mga ito. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)



Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION