One Another Passages
Magsisimula ako ng isang bagong serye ng blogs. Ito ay base sa serye ng sermon na ituturo ko sana sa May-Suwa bago kami tumigil sa pagsama roon dahil sa maraming kadahilanan. Dahil hindi ko naman ito naituro, sayang naman kung hindi ko ito mabahagi sa kapatiran. Idadaan ko na lang sa mga blogs na ito.
Sa serye itong titingnan natin ang nasa 40 one another passages na masusumpungan sa 51 na verses. Maaaring higit pa rito ang kabuuang bilang ng mga one another passages ngunit ibinase ko ang seryeng ito sa lista ni Tony Evans sa appendix ng kaniyang aklat na Horizontal Christianity. Nireorganisa ko ang mga ito sa 32 bagong kategoriya dahil ang ilan sa mga ito ay magkakapareho. Halimbawa, ang utos na ibigin ninyo ang bawat isa ay masusumpungan nang 15 beses sa 21 pasahe.
Mayroon pang ibang mga sitas na gumagamit ng one another ngunit hindi ko sinama rito dahil ang mga ito ay bahagi o elemento ng kwento at hindi imperatibo o utos na pagsusundin ng mga Cristiano. Nag-enjoy ako nang binuo ko ang mga leksiyon na ito nang nakaraang taon. Sana makatulong sa magbabasa.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)
.jpeg)

Comments
Post a Comment