Mangagmahalan kayo (Be devoted to one another)

Roma 12:10a Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo...

Matapos ng labing isang kabanata ng pagbabahagi ng doktrina, sa kabanata 12 hanggang 16 ng Roma, nagbigay si Pablo ng mga aplikasyon ng doktrina. Ito ang pattern ni Pablo, magbibigay siya ng doktrina at pagkatapos ay aplikasyon.

Ang salitang "mangagmahalan" o "be devoted" sa Ingles ay isang Hapax legomenon. Ang salitang ginamit ay Philostorge. Sinalin ito ng KJV bilang "be kindly affectionated" at ng BBE bilang "Be kind." Ang ideya ay pagmamahal sa kapwa, sa kapamilya gaya ng magulang o mga anak. Samakatuwid, dapat nating tratuhin ang bawat kapatid kay Cristo bilang kapamilya.

Paano natin maipapakita ang debosyong ito na katulad ng pamilya? "Sa pag-ibig sa mga kapatid." Ang salitang ginamit ay Philadelphia na gaya nang inyong nalalaman ay pag-ibig sa kapatid. Tatratuhin ko ang bawat mananampalataya bilang aking kapatid. Ito ay salungat sa kaisipan ni Cain na nagtatanong, "Ako ba ang tagapagbantay ng aking kapatid?"


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Isang Pag-aaral sa 2 Corinto 5:17

Panalangin sa Kapatiran