Keep me and mine safe
Ituloy natin ang aking repleksiyon sa prayers, Nieto style . Pagkagising sa umaga, nagbibigay agad ako nang maikling panalangin ng pasasalamat. I admit I am not a man of long prayers so pagkatapos ng pasasalamat sa Diyos, magbabasa at magpopost na ako ng mga Bible materials sa aking Facebook. Ise-save ko na rin ang mga materials na ise-share ko sa maghapon. Ang unang isang oras ng aking umaga ay kritikal dahil dito ko pinakakain ang aking kaluluwa at ito rin ang magdidikta kung ano ang gusto kong ishare sa aking FB. Gaya nang lagi kong sinasabi, ang aking FB ay extension ng aking ministry at kung ayaw mong makabasa ng mga materyal patungkol sa Biblia, pamilya at konserbatismo , malaya kang mag-unfriend at mag-unfollow. Pagkaalmusal at pagkaligo, maghahanda na akong pumasok sa school. Siyempre nagpapasalamat ako sa almusal na binigay ng Panginoon at hinanda ng aking misis. Ang aking araw-araw na paalam sa aking misis ay, "Bye, ingat, yabyu , mwah-mwah." Hindi pwedeng ...