Maybe in the millennium

 





Minsan nakikita ko sa Facebook ang aking mga friends na nagtatravel sa magagandang lugar o kumakain sa magagarbong restoran. I will admit nawish kong sanaol.

But the truth is maraming bagay na nais kong gawin ngunit hindi ko magawa. Laging may priorities. Laging may hadlang. Trabaho. Pamilya. Church.

Kaya minsan sinasabi ko sa misis ko, “Someday.” Kapag nakatapos na ang mga bata. Kapag nabayaran na ang mga utang.

Maybe sa Millennium.

Yes, I believe in a future earthly kingdom kung saan maghahari si Cristo for a thousand years in righteousness. And after that one thousand years, and a short rebellion by Satan and his Gog and Magog Army, that kingdom will merge with the eternal state.

Dahil diyan, hindi ako nagmamadali. I can delay any gratification for the hope of that future. Mas interested akong maging overcomer ngayon kaysa ubusin ang aking buhay sa layaw. As a believer in Christ, I have eternal life that cannot be lost. I can afford to wait sixty or seventy years (or however short my earthly life will be) without all the happiness of the world dahil tiwala akong I will be in that kingdom. Sa Kingdom ko na lang bibisitahin ang mga lugar na hindi ko nabisita in the present lifestyle.

Having this divine perspective means hindi ako takot sa FOMO dahil YOLO. Life is too short upang ubusin sa sanlibutang ito. I am more interested in investing for the kingdom and for eternity. Let the others enjoy now, Christians will enjoy this planet in the millennium and in eternity.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama