Ano ang ibig sabihin ng ang mga lasenggero ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos?
May kumakalat na post sa Facebook na nagsasabing ang mga lasenggero ay hindi papasok sa langit. While we applaud the desire na balaan ang mga lasenggerong iwan ang makalamang pamumuhay (The Bible forbids drunkenness, not drinking), we are saddened by the works salvationist mindset ng mga nagpapakalat nito.
Simply put, naniniwala ang mga taong itong hindi sapat ang pananampalataya kay Cristo upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kailangan ang moral reformation (like leaving a life of drunkenness) bago magkaroon ng kaligtasan.
Pero malinaw ang Biblia na ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Mababasa ito sa Juan 3:16, 5:24; 6:47 at marami pang sitas. Sinabi ito ni Pablo sa Gawa 16:31; Ef 2:8-9; Tito 3:5 at marami pang iba. It is by grace and not by wroks. Mixture of the two destroys grace.
Sinumang naglalagay ng additional na requirements ay nagtuturo ng maling paraan ng kaligtasan. Desirable ang pag-iwan ng drunkennes but the only benefits it will give you are health and Socio-Economic related, not eternal salvation.
If this is true, saan nanggaling ang misunderstanding na ito?
Nagsimula ito sa 1 Corinto 6:9-10.
1 Corinthians 6:9-10 [9]Or do you not know that the unrighteous will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived; neither fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor effeminate, nor homosexuals, [10]nor thieves, nor the covetous, nor drunkards, nor revilers, nor swindlers, will inherit the kingdom of God.
Silipin natin.
Sinulat ni Pablo ang epistula sa mga banal (samakatuwid sila ay mga mananampalataya na kay Cristo at taglay ang buhay na walang hanggan) sa Corinto. Sumulat siya dshil ang mga banal doon ay hindi namumuhay nang may kabanalan. Lagi kong sinasabi sa pulpito, sila ay mga banal na banol! May pagtatalo sa kanilang bahagi, may maling gamit ng mga espirituwal na kaloob, mayroong imoralidad na ginagawa at sa kabanata 6, nagdedemandahan sila sa harap ng mga hindi mananampalataya.
Sa panimula ng kabanata, pinagalitan niya ang mga Corinthian believers sa paghahabla ng mga kapatid sa harap ng mga hindi matuwid, mga unbelievers. Ang tanong niya ay bakit hindi nila mahatulan ang simpleng isyu ng buhay samantalang sila ay magiging mga tagahukom ng sanlibutan at ng mga anghel! Hindi ba nila kayang magsakripisyong madaya kaysa ilatag sa mata ng mga unbelievers ang baho ng mga Cristiano?
Sa Biblia ang pagiging hukom ay hindi exclusive judicial functions gaya ng gamit natin ngayon. Kailangan ninyo lamang basahin ang Aklat ng mga Hukom upang makitang ang mga hukom ay mga rulers and military leaders. In kther words sinasabi niyang sila ay future rulers ng sanlibutan, bakit hindi nila magawang desisyunan ang mga bagay ng buhay na ito at ilalapit pa nila sa mga unbelievers?
Sa v9-10 nagbigay siya ng dahilan kung bakit hindi dapat lumapit sa mga unbelievers. Ang mga unbelievers ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. Una sa lahat linawin natin ang sinabi. Hindi sinabing hindi sila papasok sa langit o wala silang buhay na walang hanggan, kundi hindi sila magmamana ng kaharian ng langit. Totoong walang buhay na walang hanggan at hindi papasok sa langit ang mga unbelievers pero hindi iyan ang pokus ni Pablo. Ang pokus niya ay pagmamana ng kaharian ng langit.
Ikalawa, iba ang langit sa kaharian ng langit. Sa mga mambabasa ng Evangelio, alam ninyong ang kaharian ng langit ay ang ipinangakong kaharian kay David na inalok ni Cristo at tinanggihan ng mga Judio at napostpone ang pagkatatag hangagang sa katapusan ng panahon. Hindi langit ang pinag-uusapan kundi isang pulitikal na kahariang nakabase sa Jerusalem sa ilalim ng Davidic King, si Jesus. Since postponed ang kaharian, hindi tayo nangangaral ng kaharian ngayon. Instead tayo ay nagaalok ng buhay na walang hanggan sa sinumang manampalataya kay Cristo. Ang mga ito ang potential na hari ng kaharian.
Ikatlo ang nag-iisang kundisyon upang makapasok sa kahariang iyan ay ang manampalataya kay Cristo. Walang unbelievers na papasok sa kaharian. Lahat sila ay papatayin sa Tribulation at magsisimula ang kaharian sa kamay ng mga believers in Christ. Ang sinumang nanampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan at nalipat mula sa kaharian ng kadiliman patungong kaharian ng Anak. Ang tense ng verb ay once malipat, hindi na siya makababalik sa kadiliman. Secured ang kaniyang posisyun sa kaharian.
Ikaapat, iba ang pagpasok sa kaharian sa pagmana nito kung paanong iba ang pagpasok sa bahay kaysa pagmana nito. Alam ito ng mga nakikitira o nangungupahan. Just because you enter the house it does not mean you will inherit it. Ang word na inherit ay mayamang salita sa Lumang Tipan. Pumasok ang Israel sa lupain ngunit kailangan nilang gapiin ang mga mamamayan ng Canaan bago nila ito mamana. Inheritance equals possesion and enjoyment of the land. The same word is used with respect to the kingdom. We enter the kingdom by faith but we inherit it by overcoming in this life (kasama na ang overcoming drunkennes). Not all believers are overcomers and not all those who enter the kingdom will inherit or rule over it. Only overcomers will rule with Christ.
Ngayong malinaw ang apat na ito, balik tayo sa 1 Corinto 6:9-10. What is it saying? Hindi nito sinasabing ang mga lasenggero ay hindi maliligtas. Ni hindi nga sila ang pinag-uusapan. Ang po pinag-uusapan ay ang mag mananampalataya sa Corinto, mga ligtas ngunit namumuhay na tila hindi ligtas. Binabalaan silang solusyunan ang sarili nilang problema sa halip na lumapit sa mga unbelievers. Sila ang future judges and kings ng mundo. Iyan ang inheriting the kingdom. Inheriting it is ruling over it. Ang mga unbelievers ay hindi maghahari rito kaya ang mga future na hari ay hindi dapat lumalapit sa kanila. Ang mga future hari ang dapat magsolusyun sa problema ng buhay na ito. Ironically, kung ang mga believers ay mamumuhay na gaya ng mga unbelievers (like lasenggero) kahit sila ay papasok sa kaharian, hindi rin sila maghahari rito.
Kung ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ay nakadepende sa pagiging lasenggero o hindi, nagpapahayag tayo ng additional requirements sa nag-iisang kundisyong ng kaligtasan – ang manampalataya jay Jesus.
Kaya mga Cristiano, tigilan ninyo ang paglalasing. It can disqualify you from the rewards if ruling the kingdom. It willl not disqualify you from entering it but it can rob you of your inheritance. Hindi pinagbabawal ng Biblia ang pag-inom ngunit binabawal ang paglalasing. Ang lasing ay nasa kontrol ng alak at hindi ng Espiritu Santo. Ang lasing ay kontrolado ng laman at hindi ng Salita ng Diyos. Ang hindi kontrolado ang sarili ay walang karapatang magkontrol sa future kingdom.
Do not add or change the Scripture. It does not say drunkards will not enter the kingdom. It says they will not inherit it. Drunkards will not rule in the future earthly kingdom under King Jesus.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment