Kapag mali, bitawan mo na

 


Kapag mali, bitawan mo na. Hindi katapangan o katapatan ang patuloy na manghawak sa mali. 

Sometimes we can be stubborn. Kahit pinakita na kung saan tayo nagkamali, ayaw nating bumitaw. For some reason we become attached to our mistakes. Iniisip nating masyado na tayong baon, malalim na at malaki ang ating taya, panindigan na. Sasabihin pang, "Bahala na. Nagkasubuan na eh." O kaya, "Huli na ang lahat. Diyos na bahala."

Aba dinamay pa ang Diyos. 

Eto ang katotohanan: lahat tayo ay nagkakamali at kung tayo ay buhay pa, may pagkakaroon pang magbago at magsimulang muli. 

There is no reason to become a victim of our past or wrong decisions. Wala naman siguro tayong Stockholm's syndrome

May mga inabusong kahit nilayo na ay bumabalik pa rin. Parte rito ay mababang self-esteem. Iniisip na wala nang tatanggap pa sa kaniya. Another is the feeling of helplessness na walang options. Much better ang maling pamilyar kaysa nagsimula ng bagong buhay on uncharted territory

This is where the church comes in. Kung may Cristianong feeling ay bihag siya ng sirkumstansiya, ang simbahan ang unang katuwang niya upang bumangon. 

The church should be a safe haven for the hurting. Ang nakalulungkot ang simbahan pa ang unang dumudurog sa nadapang Cristiano: "Kulang ka kasi sa faith."

Maybe you should have help him have a bigger faith. Kaya hindi niya kayang bumitaw sa kaniyang pagkakamali ay dahil natatakot siyang walang sasalo. 

We should be ashamed kung may mga kapatid tayong mas pinili ang mali kaysa sumugal sa tama dahil hindi nila tayo maasahang umagapay sa kanilang pagbangon. Honestly may mga unbelievers na mas gracious pa sa mga believers. 

Don't cling to your mistakes. You have brothers and sisters who will back you up. Kapag may nagtanong, "You? And what army?" Sagutin mo, "The Church of the Living God."

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama