Keep it so simple
I have heard so many presentations of the salvation message and some are clear and some aren’t.
Ang simpleng kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay pananampalataya kay Cristo.
Ngunit kung pakikinggan mo ang mensahe ng karamihan, kung saan-saan nakakaabot ang mensahe. May narinig akong kailangan mong magsisi. May nagsabing kailangan mong bumalik sa Panginoon (how exactly can you do that?). May nagsabing kailangan mong magbagong buhay. May nagsabing dapat mong tanggapin si Jesus bilang personal na Tagapagligtas at Panginoon.
Bakit hindi na lang tayo manatili sa lenggwahe ng Kasulatan?
Ang nag-iisang kundisyong sinasabi ng Kasulatan ay manampalataya kay Cristo. For some reason, hindi nasasapatan dito ang mga tao at kailangang magdagdag ng iba pang kundisyon o kaya ay baguhin ang kundisyon ng kaligtasan.
Keep it simple. Ang object ng kaligtasan ay si Cristo. Ang kundisyon ay manampalataya. Huwag na nating baguhin o pahirapin o palabuin ang kundisyon ng kaligtasan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment