Performative preachers
Gusto nilang laging may hawak na mikropono kahit wala namang sinasabi. Gusto nilang laging nasa sentro ng atensiyon. Gusto nila ang pagkilala ng madla. They dressed different, they talk holy and they act a certain way. Welcome to the world of performative preachers.
Sino ang mga performative preachers? Sila ang mga mangangaral na excited magturo ngunit kulang sa aral. Hindi pinag-aralan nang malalim ang Kasulatan ngunit very dogmatic sa kanilang pronouncements. Walang humility ngunit arogante sa kanilang pagpapahayag.
Makikita mo ang mga ito sa haba ng strings of Dos and Donts. Why not? Mas madali ang mag-display ng panlabas na kabanalan kaysa sa panloob na pagbabago. Through a series of dos and donts, they are trying to change the spotts of the leopard (plus point ang nakakaalam ng reference na ito).
Sa halip na magbigay ng tutok at sistematikong oras sa pag-aaral ng Biblia at hayaan itong baguhin, una sa loob, bago ang panlabas, masaya na silang mamulot ng mga outlines mula sa iba. Masaya na silang tumutok sa mga minor issues ng Kasulatan. Yung mga tipong devotional type or kung medyo fiery and temperament, yung nangungundena. They just focus on topics where they will look good.
After all it feels good to denounce others dahil mas feel mong malinis ka. Banal ka. Dahil obedient ka. Marumi sila. Who needs grace if you’re good?
If we study, we’ll learn that we’re nothing. Wala tayong maipagmamalaki sa Diyos at makikita ito sa ating mga sermons. Matututo tayong magpakumbaba at maging gracious sa iba. We’ll be gracious in our preaching.
No it does not mean we’ll back down. Truth hurts and we’ll teach the unfiltered hurtful truth. What it means is we’ll not make the truth even more hurtful by being jerks. We’ll be as gracious as we can while teaching the truth.
Be gracious. And we can only develop that grace if we actually study for transformation and not for performance.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment