Kindness is free

 

"Pirmi ka na sanang turog, dae ka mapagkakatiwalaan."

"Ika kuta an sakuyang inasahan, ano ta dae ka nag-abot?"

"Kinakan ka na kan kinaban."

Madali para sa ating husgahan ang Cristiano dahil sa kaniyang ginawa (o hindi ginawa). Iyon ay dahil nakatuon lang tayo sa mga panlabas na bagay. Pero hindi natin alam ang lahat ng mga detalye sa buhay ng ating kapwa at sa maraming pagkakataon, mas mabuting manahimik at makiramdam muna. 

Alam mo bang kaya laging tulog ang isang kapatid ay dahil kailangan niyang magpuyat upang makahanap ng panggastos? Alam mo bang kaya hindi siya nakarating dahil siya ang inaasahan sa bahay, na maglaba at magluto, dahil ang kaniyang mga magulang ay nasa malayo at naghahanap-buhay? Alam mo bang kaya siya laging ginagabi ay dahil siya ang gumagawa ng mga school projects dahil walang pang-ambag sa eskwelahan? 

Ang mga halimbawang aking binigay ay hipotetikal upang itindig ang isang punto- ang inaakala nating kaalaman sa buhay ng isang tao ay napakaliit at hindi sapat na basehan upang hatulan ang kapwa. 

Kahit nga sa mga mag-asawang matagal nang nagsasama, may mga nadidiskubre pa tayo sa ating mga asawa. Imagine ang Cristianong nakikita mo lang minsan o makalawang beses sa linggo? Malibang ikaw ay omnisiyente, wala ka sa posisyung hatulan ang kapwa.

Ang pinakamainam gawin ay maging mabait. Kindness is free. Hindi mo alam na kaya hindi siya isandaang porsiyentong produktibo ay dahil sa kaniyang pinagdaraanan. 

Bilang nakatatanda sa pananampalataya, trabaho nating alalayan ang mga nakababatang Cristiano. Mas marami tayong pinagdaanan at may frame of reference tayo upang makinig at umalalay.

Nakaka-disappoint ang mga Cristianong humahatol nang walang alam sa mga pangyayari. Ang ating mga dila ay may kapangyarihan ng buhay at kamatayan at kung hindi tayo maingat baka ang ating salita ang literal na magtulak sa kanilang mamatay. Lalo kapag pinagkalat mo ito sa mga kapwa mo tsismoso at palahatol. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama