Sinubukan ni Solomong Hanapin ang Kahulugan ng Buhay

 


Ecclesiastes 1:13 At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit: mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan. 14 Aking nakita ang lahat na gawa, na nagawa sa ilalim ng araw; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Sa pasimula pa lang hinayag na ni Solomon ang konklusyon ng kaniyang pagsisiyasat. 

Ecclesiastes 1:2 Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan. 3 Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw?

Sa aklat na ito isusulat niya kung paano niya sinubukang hanapin ang kasiyahan sa buhay na ito. At ang kaniyang konklusyon ay walang kabuluhan ang anumang bagay sa ilalim ng araw. Maaalalang ang pariralang "ilalim ng araw" ay ginamit ng 29 beses upang ilarawan ang pamumuhay na ang kaisipan ay nasa lupa, sa halip na nasa langit, Colosas 3:1-3. Samakatuwid hahanapin niya ang kasiyahan sa buhay nang hiwalay sa Diyos. Magsasagawa siya ng eksperimento upang malaman kung maaari nga bang sumaya kahit malayo sa Diyos. 

Makikita ito sa metodong gagamitin niya sa v13-14. Gagamitin niya ang kaniyang "karunungan." Sa halip na lumapit sa May-akda ng buhay upang tanungin kung ano ang layon ng buhay, hahanapin niya gamit ang kaniyang sariling karunungan. Mag-eeksperimento siya at maingat niyang irerekord ang kaniyang konklusyon. Kinikilala niya sa v14 na ito ay hindi madali, kundi isang pagdaramdam o pasakit mula sa Diyos, ngunit hindi niya naisip na kaya ito mahirap ay dahil hindi siya komunsulta sa Lumikha ng Buhay. Katulad siya ng mga bumubuo ng DIY na muwebles, na hindi nagbasa ng direksiyon, at kahit anong gawin, laging tabingi o hindi mabuo-buo. Gaano karaming pagdurusa ang ating maiiwasan kung tayo ay lalapit sa Awtor ng Buhay. 

Sa v16, sinangguni niya ang kaniyang sariling puso. Sa kaniyang pakiramdam, kwalipikado siyang magsiyasat dahil sa kaniyang karunungan at kayamanan. Mula sa pananaw na pantao, kung mayroon mang may kakayahang alamin ang sikreto ng buhay, si Solomon ang makagagawa noon. Isa siyang henyo at walang limitasyon ang kaniyang pondo at isang buong bansa ang maaaring maging responde sa kaniyang pagsisiyasat. Ngunit sa pananaw dibino, ang pinakasimple ay ang maupo sa paanan ng Diyos, gaya ni Maria, at makinig sa Diyos kung ano ang sikreto ng kasiyahan. 

Ang kaniyang preliminaryong pagsusuri ay nagpapakitang:

1. Walang layon at kahulugan ang buhay. Ecc 1:2-7, 14, 17. Ang buhay ay tila plakang paulit-ulit at walang tigil. Monotono ang buhay at anumang nangyayari ay nangyari at mangyayari ulit at walang dahilan upang bigyan ito ng kahulugan. Kahit mananampalataya si Solomon, dahil sa siya ay nagsisiyasat na hiwalay sa dibinong tulong, ang kaniyang konklusyon ay hindi nalalayo sa konklusyon ng mga ateista o walang paniniwala sa Diyos. 

Every life is a tragedy that ends in death and grief. The tragic inevitability of death makes everything meaningless. Religion seeks meaning where there is none. God is a coping mechanism, a placebo for the grief-stricken. Oliver Markus Malloy

It insists on our absolute belief in unverifiable creeds and, in return, promises a reward that can only be verified after we cease to exist. By demanding the unconditional renunciation of our reason in this way, bad-faith prevents us from living an authentic, intentional life: it anaesthetises our integrity. Cliff James

Religion seeks meaning where there is none.
Oliver Markus Malloy

There is neither a Heaven nor a Hell. Life after Death is an oxymoron. Life is just another word for existence, and Death is just another word for non-existence. Oliver Markus Malloy

Marami pa rito:
https://www.goodreads.com/quotes/tag/atheism-quotes

Ang buhay ay isang pag-iral na natatapos sa kamatayan. Anumang nangyayari ngayon ay nangyayari nang walang dahilan. 

2. Pauli-ulit lang ang lahat ng bagay, 1:9-10. Walang bago. Lahat ay nangyari na at ang buhay ay isang nakasasawang tsubibo na walang pinanggalingan, walang layon at walang patutunguhan. Nakapagtataka ba na nababato ang modernong tao? At nakapagtataka bang puno ang kaniyang puso ng kawalang pag-asa, ng pait at ng pagnanais na tapusin ang sariling buhay. Bakit mo nanaising mabuhay nang walang kahulugan?

3. Walang gamot sa kabatuhang ito, 1:15. Hindi maitutuwid ang baluktot at hindi mababaluktot ang tuwid. Ang magagawa mo lang ay pagtiyagaan ang buhay at kung hindi ka makatiyaga ay lunurin ito sa anestetiko ng alak, buhay-YOLO at FOMO, at droga, babae at bisyo, at kung ito ay kulang pa, kamatayan. Ang mga materyalistang ateista ang nasa likod ng pagsulong ng euthanasia at assisted death. Tutal kapag namatay ka, wala namang pananagutan, hindi ba?

4. Walang karangalan, 1:11. Kapag patay ka, patay ka na. Walang aalala sa iyo. Magigi ka lamang alikabok na kakalat na magiging bahagi ng paligid. Walang kaluluwa, walang Diyos, walang ikalawang buhay. 

At ang pangkalahatang konklusyon: walang kabuluhan. Sa modernong salita: "Does it matter?"

Sa susunod na blog, titingnan natin kung tama nga ba ang mga konklusyon ni Solomon. Hint: hindi at kahit siya babaguhin ito sa Ecc 12:1ff. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)



Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION