Posts

Showing posts from March, 2026

Prayers for my family

Image
  This will be my third installment on prayers, Nieto-style .  Gaya ng nasabi ko sa nakaraang blog, ang unang isang oras ng aking umaga ay maikling (napakaikli) prayer ng pasasalamat at mahabang pag-aaral at pagbabahagi sa FB ng Salita ng Diyos .  Ang aking prayers ay madalas kong ginagawa bago ang unang subject na aking tinuturuan. I find this the best for my schedule.  This works for me. This may not work for you.  So anong laman ng aking prayers?  I started with praying for my immediate family. They are the closest to me at sabi nga ng Nescafe, dahilang kung bakit ako bumabangon. So it makes sense na sila ang una kong pinanalangin.  Hinihiling ko sa Amang balutin sila ng biyaya at pag-ibig. Itinataas ko sila sa Ama dahil alam kong on my own, I cannot keep them safe and well provided. I need the Father's grace and power for that.  Hinihiling kong bigyan ng strength and endurance ng Ama ang aking misis upang magampanan ang kaniyang obligasyon sa ...

Don't usurp the Spirit's job

Image
  Minsan gigil tayong magbahagi ng Salita ng Diyos . Talo pa natin ang nakikipag-away sa kalsada.  Don't get me wrong, natutuwa akong maibahagi ang mensahe ng buhay na walang hanggan . Ngunit sa harap pa ng agresibo at grace-less na sharing of the gospel , minsan napapaisip ako kung mas marami pang damage ang dala nito kaysa sa benefits.  May mga tao akong nakasalamuha na sa halip na lumambot ang puso sa evangelio ay lalo pang tumigas laban dito dahil sa grace-less na sharing. Yung isa kung nakasama, sinisigawan na ang kausap. Yung isa nakikidebate na. May nakita rin akong gusto nang idukdok ang Biblia sa mukha ng kausap. Ang sabi ng kausap, "Kapatid hindi naman kita inimbitahan sa bahay!" Marahil dala lang ito ng excitement. Marahil dala ng immaturity kung saan iniisip nating ang may pinakamaraming nasabi ang panalo. O marahil iniisip nating nakasalalay sa ating galing ang kaligtasan ng ating kausap.  Let us be careful not to win the battle but lose the war ! Maaar...