It is finished
Imagine na may utang ka sa bangko. May nagbayad ng iyong utang in full. Ang tanong: may karapatan pa ba ang bangkong singilin ka? And more importantly how would you call a man whose debts are fully paid yet insists on still paying it?
Most of us ay may enough sense na sabihing walang karapatan ang bangkong maningil sa taong ang buong utang ay binayaran na. Most of us have enough sense na sabihing hangal ang nagbabayad ng utang na binayaran na.
And yet maraming spiritually walang common sense. Buhat pagkabata tinuruan silang si Jesus ay namatay sa pagbayad ng ating mga kasalanan. Then on the same breathe they will insist that they still need to pay for their sins.
Either Jesus paid for our sins or not. Kung binayaran Niya ang mga ito, hindi na tayo dapat magbayad.
Ni wala nga tayong kapasidad na bayaran ang ating mga kasalanan. Hindi sapat ang mabubuting gawa o ang mabubuting intensiyon upang bayaran ang kasalanan ng isang tao.
Ang tanging kabayarang katanggap-tanggap sa Diyos ay ang gawa ni Cristo sa krus. Sa krus dinala Niya sa Kaniyang katawan ang lahat ng mga kasalanan at tinanggap ang parusang dapat tao ang tatanggap.
Ginawa Niya ito dahil sa pag-ibig. Alam Niyang hindi tayo makababayad kaya Siya ang nagbayad. Ang Kaniyang buhay ang kapalit ng ating mga kasalanan.
We may not agree how to explain the work of Christ. But here's the bottom line: Jesus remove sin as barrier between God and man.
All that is left for man to do is believe in Jesus Christ.
Kung ang tao ay manampalataya kay Cristo, mayroon Siyang buhay na walang hanggan. Kung umasa siya sa kaniyang kabutihan, siya ay mapapahamak.
Huwag mong ipilit na bayaran ang hindi mo kayang bayaran, lalo kung ito ay binayaran na ng Iba. Si Jesus ang nagbayad sa ating mga kasalanan.
Hinihimok ko ang sinumang nagbabasa ng blog na itong manampalataya kay Cristo at magkaroon ng katiyakan ng buhay na walang hanggan.
Manampalataya ka kay Cristo para sa buhay na walang hanggan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment