May batang naglalakad sa dilim. Normally takot siya sa dilim ngunit dahil kasama niya ang kaniyang kuya, matapang siya. Alam niyang hindi siya pababayaan ni kuya.
Spiritually speaking, ang mga
Cristiano ay namumuhay sa gitna ng kadiliman ng
sanlibutan ito. Ang bawat mananampalataya kay Cristo ay mga ilaw ng sanlibutan ngunit kung hindi tayo maingat, papatayin ng dilim ang ating ilaw.
Ngunit kung aware tayo laging kasama natin si
Jesus, ang Kuya sa kapatirang espirituwal, hindi tayo matatakot. Alam nating hindi Niya tayo pababayaan.
Sinuman ang ating makasalubong, anuman ang ating makaharap... hindi Niya tayo iiwan. Iyan ang Kaniyang pangako at tinutupad Niya ang Kaniyang salita.
Minsan natutukso tayong mag-alinlangan sa
Kaniyang Salita. Huwag. Hindi gaya ng ordinaryong taong madalas mapako ang pangako, hinding hindi iiwan ni Jesus ang Cristiano.
Dahil dito, lumalakad tayo nang may kumpiyansa. Alam nating mayroon tayong malalapitan. Alam nating mayroong laging iniisip ang ating kapakanan.
Manalig sa Kaniya. Nagawa Niyang bayaran ang ating mga kasalanan sa
krus, nasolusyunan Niya ang malaking problema ng kasalanan; kayang kaya Niya ang mas maliliit na problema ng pang-araw-araw na pangangailangan. Huwag magpadala sa takot, huwag makisabay sa pagpapanik ng sanlibutan - hindi Niya tayo pababayaan.
Kung nagawa nating ipagkatiwala ang ating espirituwal na kalagayan, ipagtiwala rin natin ang ating temporal na pangangailangan.
Tumataas ang mga bilihin at humihirap ang buhay, pero ang pag-iingat ng Diyos ay libre pa rin sa Kaniyang mga anak. So just hold on.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/
Comments
Post a Comment