Dirty tongue and mouth

 


Mula pa pagkabata, tinuro ng ating mga magulang ang kahalagahan ng pagto-toothbrush. We brush our teeth to keep cavities away. 

Ngunit for all the emphasis on mouth hygiene, may isang paglilinis na madalas nating nakakalimutan: nalilimutan nating panatilihing malinis ang ating dila spiritually. 

Proverbs 18:21 [21]Death and life are in the power of the tongue, And those who love it will eat its fruit.

Colossians 4:6 [6]Let your speech always be with grace, as though seasoned with salt, so that you will know how you should respond to each person.

Pinaalalahanan tayo ng Bibliang ang ating dila ay may kapangyarihan ng buhay at kamatayan. Samakatuwid may konsekwensiya ang paggamit ng dila. 

Ayon kay Pablo ang dila ay dapat laging natitimplahan ng biyaya. Ang nakalulungkot, sa halip na biyaya ang nanggagaling sa ating bibig, ito ay puno ng kasinungalingan at panghuhusga. 

Kung ano ang nasa puso, iyan ang lumalabas sa ating dila. Kung ang puso ay puno ng panghuhusga, nagpapakita itong ang puso at walang biyaya at nababalot ng kapaitan at panghuhusga. 

Ilista mo ang lahat ng mga salitang nanggaling sa ating bibig. Kung karamihan sa mga ito ay panghuhusga, alam mo kung ano ang laman ng iyong puso. 

We should be especially watchful when no one is watching. We can be performative when others are watching. But when no one is watching, lilitaw at lilitaw ang laman ng ating mga puso. 

Gamitin natin ang dila upang magdala ng buhay sa ibang tao. Let us encourage others. Let us be men of grace. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama