Have peace

 


John 16:33 [33]These things I have spoken to you, so that in Me you may have peace. In the world you have tribulation, but take courage; I have overcome the world.

Ang mundo ay nababalot ng pag-aalala. Ang digmaan sa Iran ay nagresulta sa pagtaas ng presyo ng langit at kaakibat nito ang pagtaas ng pamasahe at mga bilihin. Hindi nalalayong magmahal ang kuryente (o baka magkaroon pa ng malawakang power outage) at ang lalong pagbaba ng kakayahan ng pisong bumili. 

Ngunit ang Cristiano ay hindi kailangang magpanik. Taglay natin ang kapayapaan ni Cristo. Ito ang mag-iingat sa ating isipan at saloobin. Iyon ay kung handa tayong panghawakan ito sa pananampalataya.

Ang Cristianong lumalago sa pananampalataya ay may balong paghuhugutan ng kapayapaan. Habang natataranta ang sanlibutan, ang Cristiano ay may panloob na kapayapaang mababakas sa kaniyang pang-araw-araw na gawi. 

Hindi siya nagpadadala sa takot. Hindi siya nadadala ng discouragement. Handa siyang humarao sa mga pagsubok ng buhay dahil mayroon siyang spiritual resources na paghuhugutan. Hindi ba at ang Espiritu Santo ay nananahan sa kaniya? 

Ang malapit na paglakad sa Espiritu ang nagbibigay sa kaniya ng kakayahang gamitin ang Salita ng Diyos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Gumagawa siya ng desisyon ayon sa malinaw na alituntunin ng Kasulatan. Nakalinya ang kaniyang desisyon sa pamantayan ng Kasulatan. 

Ang Cristianong piniling lumakad sa kaniyang kakayahan at tumanggi sa gabay ng Espiritu ay makararanas ng kabagabagan sa sanlibutang ito. Ang kaniyang kapayapaan at kasiyahan ay nakabase sa panlabas na sirkumstansiya. Wala siyang sinepet para sa kaniyang kaluluwa.

Peace and happiness are our birthright. For sure these peace and happiness are not the same with the world's peace and happiness. Our is internal and not dependent on circumstances but on a Person. Jesus is eternal so our peace and happiness are eternal. 

Instead of worrying which will not add to your life (or your height), trust in Him. Cast your burden and cares on Him. You'll not be move. God cares for you. He'll never forsake nor leave you. 

This is our testimony. The world is panicking. Christians are not. We know the story. It will end with Christ on the throne and if we're faithful we'll reign with Him. 

So cheer up. The best is yet to come. This darkness will give way to the Light of the world

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama