Isang Demonstrasyon ng Santiago 1:18-19
Naikuwento ko kung paanong ang isang simpleng tilamsik ng putik ay nagbigay sa akin ng oportunidad na obserbahan kung paano madebelop ang mental attitude sin. Sa loob ng ilang segundo dumaan ang aking isipan sa ilang estado na thankfully ay maagang nakilala at naikumpisal at naiwan. Nitong mga nakaraang linggo nakaobserba na naman ako ng aplikasyon ng Kasulatan in action. This time, nakita ko ang Santiago 1:18-19. Ayon kay Santiago ang Cristianong nahaharap sa pressure ng buhay ay dapat maliksi sa pakikinig, makupad sa pagsasalita at makupad sa pagkagalit. Gaya nang lagi kong sinasabi, ang ating reaksiyon ay baliktad- mabilis tayong magalit at magsalita at mabagal ang pakikinig. Ang nakalulungkot ay naobserbahan ko ito sa isang taong inaasahan mong maturo sa pananampalataya. Ngunit sa halip na maliksi makinig, makupad sa pagsasalita at makupad sa pagkagalit, ang kabaligtaran ang nangyari. Ang nasabing kapatid ay maliksing nagalit (sa hindi malamang dahilan dahil hindi naman nag...