Kailangan ko bang mag-speak in tongues para magkaroon ng buhay na walang hanggan?

 


To be honest wala pa akong direktang napakinggang nagsabi nito pero may mga nababasa akong materyales na nagsasabing ang tunay na pananampalataya ay magreresulta sa speaking in tongues o ang ebidensiya ng baptism of the Holy Spirit ay speaking in tongues. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya, Juan 3:16-18,36; 5:24; 6:47; 11:25-27; Gawa 16:31. Ang sinumang manampalataya ay mayroong buhay na walang hanggan, magsalita man siya ng tongues o hindi. In fact, kahit sa Bible hindi lahat ay nakapagsasalita ng tongues. 

Setting aside the fact that I am a cessationist, kahit pa operational ang tongues, hindi ito kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Wala kahit isang verse na nagsasabing kailangan mong magsalita in tongues para maligtas. 

Ang salvation is by grace alone through faith alone in Christ alone. Hindi ito by experience. Even by tongues. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Isang Pag-aaral sa 2 Corinto 5:17

Panalangin sa Kapatiran