Don't let people pull you into their storm. Pull them into your peace.
Efeso 4:2 Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.
Santiago 3:17 Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.18 At ang bunga ng katuwiran ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.
Roma 12:18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
Naiintindihan kong mayroong hindi maka-move on sa aking desisyong mag-step down sa pagtuturo sa Amoguis. Hindi ko ito ginawa out of nowhere. Hindi ko ito ginawa under emotion. I made this after thinking about it for a long time.
Sa isang bahay, madaling malaman kung ano ang eksaktong oras kapag may iisa lamang na orasan. Ngunit kung may dalawang orasan, imposibleng malaman ang eksaktong oras.
Gayon din naman sa isang organisasyon, mahirap ang may dalawang tinig, may dalawang pananaw. Bagama’t dapat lamang makinig sa iba’t ibang opinyon ng miyembro ng organisasyon, sa huli, may iisang tinig at pananaw ang dapat kumatawan sa grupo. Dapat may iisang voice at iisang vision. Ang pagkakaroon ng dalawang vision ay magreresulta sa DI-vision.
Habang nagta-translate ako ng komentaryo nj Hodges sa James, nakarating ako sa James 3:17-18. Ang aking nabasang komentaryo ay convicting. Anumang karunungang nagreresulta sa pagkakampikampi at kaguluhan ay hindi karunungan mula sa taas. Maaaring ito ay porma ng karunungan ngunit hindi ito ang karunungang buhat sa langit.
Ayon kay Santiago, ito ay may kinalaman sa pananaghili at kapalaluan, v14. Without divulging kung anuman ang latest na trigger sa simbahan (to protect privacy and to be honest wala naman kayong pakialam), at dahil wala namang balak ang sinumang umaming nagpapalalo at nagsinungaling sa katotohanan, to preserve peace, I will step down. In essence, inaalisan ko ng battery ang aking orasan upang isang orasan na lang ang mananaig sa simbahan.
Ginawa ko ito dahil nakakapagod makipaglaro. Nauubos ang aking social battery. Nakakapagod makipaglaro sa isang bata na kapag natatalo sa laro o hindi naimbitahang maglaro ay magmamaktol at aayaw. We are adults at hindi mga bata. We may excuse the children sa pag-aayaw sa laro dahil sa kanilang immaturity, pero wala itong puwang sa mga adults who are supposed to be the pillars of the church. Wala akong time para paulit-ulit na sumakay sa emotional roller coaster- one day ay nag-aalala na baka mahati ang organisasyon and then the next day parang wala lang nangyari. Walang apology, walang accountability, parang wala lang samantalang the rest of us ay hindi nakatulog sa pag-aalala. Forgive me pero ang pagod na katawan ay kaya kong itulog pero ang pagod na kaluluwa ay nangangailangan ng peace of mind.
Napapagod na ako mag-tip toe dahil natatakot akong maka-offend. Pagod na akong maging shock absorber, tagasalo ng kahit anong ipukol na isyu- mula sa pagnanais na agawin ang simbahan hanggang sa pagdedesisyun nang hindi kumokunsulta. Seriously para saan pang naging tagapamahala ako nv simbahan kung ang bawat kilos ko ay kailangan ng permiso. Nakakita na ba kayo ng posisyung walang kapangyarihan?
Napapagod na akong magkunwaring invisible. Na kapag may ginawa ka ay walang credit at appreciation at ang iyong pinagpaguran ay iba ang binibigyang credit. Pagod na akong kailangan kong mag-perform dahil kung hindi ay ikaw ang masisisi. Pagod na akong nasa gilid upang hindi mabawasan ang shine ng iba. At least sa aking pagbaba, literal na akong nasa gilid.
Gusto ko ng kapayapaan. Ayaw kong mapuno ng bitterness ang aking puso kaya habang nakapag-iisip pa ako ng straight, bababa na ako. Hindi kakayanin ng aking social battery ang paulit-ulit na drama ng away-resign-balik-away-resign-balik. Sawa na akong magbalanse sa mga miyembrong marahil ay nalilito kung kaninong boses ang dapat pakinggan.
Naaawa na ako sa aking pamilya na naiipit sa sitwasyong ito. Alam kong nahihirapan din silang mag-tip toe, lalo't hindi naman kami balerina. Walang Cristiano ang dapat mag-alangang pumasok sa simbahan.
Besides hindi ako pulitiko. Hindi ko kayang makipagngitian kahit wala sa loob. Kung gusto kong pasayahin ang lahat, nagbenta na lang sana ako ng sorbetes o kaya ay nagpayaso ako.
Useless na rin namang magturo ako kung natatasahan ang aking mensahe dahil natatakot akong anumang sabihin ko ay maging trigger upang mag-incite ng another round of away-resign-balik. Mabuti na ang isahang resignation. After several weeks, siguradong makaka-adjust ang lahat.
Useless na rin namang maging aktibo sa mga desisyon kung ang mga desisyong ito ay magreresulta lang sa samaan ng loob.
Gusto ko na lang maging ordinaryong miyembrong nakaupo, walang pressure na magturo o magplano para sa grupo. Siguro naman kapag ordinaryong miyembro ka na lang, ligtas ka na sa pulitika. After all, binibisita natin ang mga miyembrong ayaw na magsimba.
Maaaring may hindi sang-ayon sa aking ginawa but just accept it as it is. Ito ang nakikita kong pinaka-logical na desisyon upang once and for all magkaisa ang ating mga simbahan, once and for all ma-squash ang anumang hear-say ng pang-aagaw ng simbahan at upang maiwasan ang anumang tip-toeing. Kapag hindi pa rin ito nag-work out, it might be time to start shopping for a new one.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
.jpeg)

Comments
Post a Comment