Bakit mahalaga ang regular na pagbabasa at pagkakabisa ng Biblia?

 


Marahil narinig ninyo na ang ilustrasyong ito: May isang pastor na nagtanong sa kaniyang kongregasyon, "Paano ninyo dalhin ang Salita ng Diyos?" Maraming binigay na sagot ang mga miyembro, kabilang na ang paglalagay sa bag, pag-iipit sa kili-kili at paglalagay sa likod. Isang matandang lalaki ang tumayo at nagsabi, "Dinadala ko siya sa aking puso," sabay sipi ng Awit 119:11.

Bakit kailangan natin ang regular na pagbabasa at pagkakabisa ng Salita ng Diyos. Ang suhestiyon ng mang-aawit ay upang hindi magkasala laban sa Diyos. 

Ang puso ng tao ang pinakoro ng tao, kung sino siya kapag walang nakatingin. Ito ang aspeto ng tao na tanging ang Diyos ang nakakatarok. Ang pagtago ng Salita ng Diyos sa puso ay nangangahulugan ng pagbibigay dito ng importansiya dahil tinago mo ito sa pinakakoro ng iyong pagkatao. Kung posibleng mahati ang puso ng tao (hindi ang pusonh bayolohikal kundi espirituwal), ang lalabas ay hindi dugo kundi mga Salita ng Diyos. 

Nananawagan ito ng disiplina upang magbasa, mag-aral at magkabisa ng Salita ng Diyos. 

Sa dami ng umaagaw ng ating atensiyon sa araw-araw: mga alalahanin ng buhay, mga pinansiyal na obligasyon at kung anu-ano pa, kailangan ang disiplina upang magbigay ng oras sa Salita. Marami ang natatapos ang araw nang hindi man lang natuto kahit kaunti ng Salita ng Diyos. 

Kung regular tayong mag-aaral ng Salita ng Diyos, magkakaroon tayo ng pananaw ng Diyos sa iba't ibang bagay. Dahil dito malalaman natin ang kaniyang opinyon sa mga isyu ng buhay, maiiwasan ang kasalanan at makagagawa ng desisyong sumasalamin sa Kaniyang kalooban. 

Buksan natin ang ating mga Biblia at magpakalunod sa Kaniyang Salita.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Isang Pag-aaral sa 2 Corinto 5:17

Panalangin sa Kapatiran