Sasagutin o Hindi and Mangmang?
Kawikaan 26:4 Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.5 Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
Gaya nang inyong nalalaman, hindi kailan man sinasalungat ng Kasulatan ang kaniyang sarili. Ang tila salungatang kawikaang ito ay nagpapakita ng complexity ng pakikipag-usap sa isang mangmang.
Ang mangmang ay ang taong tumakwil sa karunungan ng Diyos. Mangmang siya hindi dahil sa mababa ang kaniyang IQ o dahil sa wala siyang pinag-aralan. Mangmang siya dahil ayaw niyang magpasakop sa Kasulatan at ginawa niya ang kaniyang sarili bilang sukatan ng Kasulatan.
Maraming mangmang ang mga nasa posisyun ng pamumuno sa simbahan. Marami ang tumuntong sa seminaryo. Marami ang nalasing sa kaniyang posisyun na ayaw niya itong bitawan kahit sa ikabubuti ng samahan. Mahirap kausapin ang lasing.
May mga panahong kailangang sawatahin ang mangmang upang itama ang kaniyang pagkakamali. Ang pagsaway sa kaniya ay isang akto ng pag-ibig upang maiwasan niyang isiping siya ay pantas. Maaaring ikasama ito ng kaniyang loob pero mas maiging maaga pa lang maitama ang kaniyang kamangmangan kaysa mag-akto siyang pantas at maging katatawanan sa iba. Gaya ng sabi ng kasabihan, "It is better to be silent and risk being thought stupid, than to open your mouth and remove all doubts." Ang mangmang na hindi nasasaway ay hindi napipigil magsasalita at nahahayag sa lahat ang kaniyang kamangmangan.
Ngunit may mga pagkakataong hindi mo kailangang sagutin ang mangmang dahil maaaring maging kagaya ka niya. Samakatuwid ikaw ay magiging mangmang din. Gaya nang kasabihan, "Ang pumapatol sa mangmang ay mangmang din." Sooner or later, kapag pumatol ka sa mangmang, mauuwi kayo sa shouting match at argumentum ad hominem. Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ito ay huwag kang pumasok sa pakikipagtalo sa mangmang. Dahil sa kaniyang paningin siya ay laging tama at ang iyong oposisyun ay nagpe-feed sa kaniyang delusion of being right.
Kailangan ng wisdom kung alin sa dalawang ito ang dapat gawin.
Bakit nga ba mahirap makumbinse ang mangmang ng kaniyang kamangmangan at sa halip mapanganib na baka tayo ang magaya sa kaniya? Ang pinakamalaking dahilan ay sa kaniyang paningin siya ay laging tama. Having been divorced from the corrective Word of God, nilagay niya ang kaniyang sarili bilang highest position of authority. Lahat ng tama at mali ay nakadepende sa kung ano ang tama at mali para sa kaniya. He will lie and deny if he has to para mapanatili ang illusion of being right.
Gumawa siya ng isang metanarrative kung saan siya ang sentro, sirkumperensiya at hangganan ng katotohanan. Siya ang tama, tagadetermina ng tama at pinal na apela ng tama. Sa kaniyang kuwento siya ang bida at kapag sumalungat ka sa kaniya, siya ay biktima ng opresyon ng katotohanan. Nakapaghabi siya ng naratibo na siya ay simultaneously bida at biktima.
Ang sinumang hindi bumibili ng naratibong ito ay threat na dapat maalis. Magsisinungaling, magte-threaten, iho-hostage niya ang grupo kung kailangan, maalis lang ang threat at ma-ensure ang dominance.
Kapag kinompronta siya, ide-deny niya ang lahat, kahit pa may multiple witnesses and attestations. Dahil sa siya ang bida sa kaniyang kwento, makikita niya ang pagkompronta bilang an oppression kung saan siya ang biktima- another proof of his God-given appointment as guardian of truth. Siya ang truth in essence.
Anumang mangyari sa kaniyang buhay ay iinterpreta sa liwanag ng metanarrative na ito. Ang iyong role bilang hero o villain ay nakadepende kung ayon ka sa narrative na ito o hindi.
Dahil sa siya ang bida sa kaniyang kwento, he takes it as his role to liberate everyone from ignorance by converting them to his self-made truth. You have to buy his narrative or you're a villain. You'll be the object of jealousy and suspicion. He'll ally himself with others to run you out of the position to disagree. And if you're looking for peace, you'll just acquiesce.
Kaya paano ka mananalo sa pakikipagtalo sa isang mangmang? Pinoprotektahan ng kaniyang kamangmangan ang kaniyang fragile ng ego. In a contest of will, it is better to give up, step aside and watch him destroy himself. After all, kusang nahuhulog ang mga bulok na bunga mula sa punong kahoy.
Kapag tinuro mo ang kaniyang mali, irereintepret niya ang data. Kapag tinuro mo ang kaniyang inconsistencies, ide-deny niya ang mga ito, at lalabas na ikaw at ang iyong mga testigo ang sinungaling.
Magaling din siyang magmanipulate ng emotions ng mga taong alam niyang nagmamahal sa kaniya. Magaling siya sa emotional blackmail dahil alam niyang hindi mo siya matitiis. Modus operandi na niya ang mangako without the intention na tuparin ito. At kapag nag-set ka ng boundaries, igi-guilt trip ka sa pagiging matigas ang puso at hindi siya magsasawang ipangalat ito sa lahat ng willing na makinig at makumbinse.
Wala siyang sense of accountability. Gagawin niya ang kaniyang gusto nang walang pagsangguni pero good luck kapag nagtry kang kumilos nang wala niyang approval. Maririnig mo ang lahat ng litanya sa mundo at mararanasan mo ang buong arsenal ng kaniyang manipulation techniques.
May tamang panahon upang sawatahin ang mangmang. May panahon ding makikilala mong useless na. Kapag ang isang tao ay paulit-ulit na sinasaway ngunit paulit-ulit pa rin niyang ginagawa despite promising not to do it again, it is time to give up. Masisira lang ang iyong inner peace kapag nakipagsabayan ka sa kaniya. Give him what he wants for decisions and actions have consequences. Time will tell kung sino ang mangmang at pantas. Kung paanong nalalaman ang merito ng pagkain sa kaniyang lasa, ang merito ng kaniyang gawa, kung mangmang man ito o pantas, ay makikita sa resulta.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
.jpeg)

Comments
Post a Comment