Posts

Showing posts from September, 2025

Fight truth decay

Image
  Roma 1:18 Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan. We are in an age of truth decay. Sa panahong ito ang pinaiiral ay ang feelings except the truth. Those who stand for the truth are ostracized as unloving, as backwater bigots, as behind the times.  Makikita mo ito sa sex and gender issues. Those who hold to the Biblical standards of only two sexes are demonized as unloving and out of the times. Ang official narrative ngayon ay gender is just a construct. There is no objective standards for maleness and femaleness, only your subjective feelings.  Makikita mo ito sa isyu ng marriage. Monogamy is frowned upon as out of the times. Okay na lang magsama ang babae at lalaki kahit hindi kasal. Ang mahalaga ay they love each other at walang nasasagasaan. O isyu mg virginity. It is now seen as being puritanical and pharisaical. Presumably ang nag-iingat ng kanilang sari...

Do not deceive

Image
  1 Pedro 3:16 Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo. Ayon kay Pedro, dapat tayong magtaglay nang mabuting budhi. Sa ganitong paraan kung ang kga unbelievers ay mag-alipusta sa atin (o gumawa ng mga kwento laban sa atin), ang ating mabuting paraan ng pamumuhay ang magpahiya sa kanila.  Walang putik na didikit sa Cristiano kung malinis ang ating budhi.  Dapat ganuon din tayo sa iba. Kung ang ating mga salita ay magbibigay ng maling impresyon patungkol sa iba o patungkol sa isang bagay o isyu, mas maiging manahimik tayo. Minsan, hindi naman tayo nagsisinungaling ngunit ang pagbukas ng bibig sa maling oras ay maaaring magbigay ng maling impresyon. Bigyan ko kayo ng halimbawa. May nawawalang salapi. Hindi mo nga sinabing si Juan ang nagnakaw ng salapi ngunit kung babanggitin mong bumili si Juan ng bagong sapatos, maaari itong magbigay ng maling impresyon...

Status update

Image
  Ang Pilipinas ang isa sa pinakamalakas gumamit ng Facebook. Ayon sa ( https://www.facebook.com/share/1ZbVjRxz5S/ ), umaabot tayo ng 3.5 oras.  Aaminin kong madalas at malakas din akong gumamit ng Facebook. Pero majority ng aking gamit ay upang "mag-evangelize" by sharing the gospel of grace and sharing Bible doctrine.  Maraming Pinoy ang hindi kumpleto ang araw kapag hindi naka-FB. Bahagi na ito ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.  Mula pagkagising hanggang pagtulog, tayo ay online.  Maraming ginagamit ang FB upang rumaket- mag-online selling, gumawa ng paid content o pang-kontak sa mga business partners.  Ang iba naman ay ginagamit ito to connect with the outside world. Anong latest trends o latest news.  Ang iba ay ginagamit ito to catch up with family and friends. Ang iba ay ginagamit ito (rightly in my opinion) to share the gospel of grace and Bible doctrine to netizens.  Imagine, kung gaano tayo kasipag mag-FB ganuon din tayo kasipag magb...

Just walk away

Image
  Talk is cheap. Sabi ng ilan. Ngunit kung mayroon man tayong dapat mapansin sa aklat ni Santiago, ito ay ang kahalagahan ng mga salita at ang mas malaking halaga ng pananahimik sa tamang oras.  Sa lahat ng kabanata ng kaniyang epistula, may turo si Santiago sa tamang gamit (at hindi paggamit) ng dila.  Ang dila ang behikulo ng isipan. Kung gusto nating magbahagi ng ating inisiip o kung gusto nating malaman ang iniisip ng iba, nagiging posible ito sa masining na paggamit ng dila.  Ngunit may mga pagkakataong mas maiging itikom ang bibig kaysa magsalita.  Kung kailan dapat magsalita at kung kailan dapat manahimik- karunungan ang magdidikta niyan.  Bagama't iba ang konteksto (ang konteksto ay ang paggamit ng gift of tongues), sinabi ni Pablong mas nanaisin niyang magsalita ng 5 salitang may kahulugan kaysa sa mgasalita ng libo-libong salita na walang kahulugan o walang nakakaunawa (to that effect).  Maraming organisasyon, kabilang na ang mga simbahan, an...