Truth over emotion
There's nothing wrong with emotions. It is part of what man man. But when the emotion takes over a person so that he no longer clearly thinks, there's a problem.
Our emotions are appreciators and responders. They're not meant to think for us. Iyan ang trabaho ng ating isipan.
In a healthy person, the mentality thinks and initiates action in the body. The emotions respond to mentality as an appreciator.
For instance, when you think of your loved one, you feel emotional. When you think fearful things, you become scared. When you think of God's goodness, you become thankful and appreciative.
Depende kung ano ang laman ng isipan mo at iyon ang magdidikta kung paano ka makakaramdam.
Pero kung hahayaan natin ang ating emosyong magrebelde, samakatuwid, hindi na tayo nag-iisip kundi nagrereact lamang nang basta-basta, ang resulta ay isang taong hiwalay sa realidad. We're emotional and irrational.
Hindi natin inaanalisa ang mga pangyayari at kumikilos tayo ayon sa nararamdaman natin at the moment. Most of the time, we're acting according to our sin nature which will happily feed our thinking with reasons to be irrational.
Ito ang gustong mangyari ni Satanas. Ayaw niyang ituon natin ang ating isipan sa katotohanan. Gusto niyang nakatuon lamang ang ating isipan sa ating "feelings." Kaya galit tayo kapag kinukwestiyon dahil hindi naman natin pinag-iisipan ang ating mga gawa. Instead gusto nating i-validate ng iba ang ating feelings, regardless if it makes sense or not.
Gusto ni Satanas na magpadala tayo sa emosyon. Hindi mahalaga ang katotohanan. Ang mahalaga ay it makes you feel good at wala kang inaapakan. Wala nga ba?
When we ignore truth but only listen to our emotions, we're ignoring the very fabric of reality. Kaya huwag tayong magtaka if emotionalism brings us to bad ends. When you act independent of reality, don't expect sanity to be result.
Kapag nagpapadala tayo ng anger of the moment, we can say hurtful words and even kill. Kung nagpadala tayo sa emosyon, we can make promises we cannot keep. Or do things we'll regret later. Nagpadala ka sa lust ("I feel alive when she's around."), ang resulta ay regret dahil nasira ang pamilya at kinabukasan. Nagpadala ka sa selos, at nakapatay ka nang wala sa oras. Nagpadala ka sa galit, nasira ang iyong relasyon. Kung nagbigay ka lang sa iyong sarili ng ilang minutong katahimikan, kung kumalma ka, marahil ay napag-isipan mo ang iyong gagawin, naplano mo ang iyong hakbang at naiwasan mong ikompromiso ang iyong sarili.
Kumon ang ganitong kaisipan sa antibiblical thinking. If it feels good, it must be right. It gives me peace so it must be right. Regardless kung ito ay ayon sa katotohanan o hindi.
Now don't get me wrong. I am not against emotions. But I am against emotional revolt of the soul. I am against being emotional and irrational.
Huwag tayong magpadala kay Satanas. Let our thoughts be controlled by the truth of God's Word.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment