Baucham: The gospel, not the culture
Pumanaw na si Vodie Baucham. Honestly hindi ako masyadong pamilyar sa kaniyang mga turo but based on his associations, he's a Calvinist and a Lordship salvationist.
But I like this quote so I am blogging on it.
Based sa mga eulogies na aking nabasa, he lived and died for this belief: that the gospel, not the culture that dictates truth.
And we should believe, live and die by the same truth.
Madalas tayo ay naimpluwensiyahan ng kultura. Iniisip nating basta acceptable sa marami, acceptable na rin sa ating mga Cristiano. Kaya ang ating mga beliefs and values ay indistinguishable sa mga unbelievers. Hindi nila makita ang ating pagkakaiba. Magtataka pa ba tayo kung bakit hindi nila makita ang relevance ng evangelio?
Kung ang ating paniniwala, pagpapahalaga at pamumuhay ay walang pinagkaiba sa kulturang ating kinamulatan, huwag tayong magtaka kung wala tayong markang maiwan sa kanila.
Sa halip na magpaimpluwensiya sa paniniwala at pagpapahalaga ng sanlibutan, tumingin tayo sa Kasulatan. Ito ang dapat pagmulan ng ating paniniwala at pagpapahalaga.
So what kung kakaiba tayo? So what kung isipin nilang isnab tayo dahil hindi tayo sumasama sa kanilang mga gawa? Ang mahalaga ay namumuhay tayo nang malinis ang konsensiya at hindi mahihiyang humarap sa Diyos.
Rest in peace Bro. Vodie. I am sure may mga punto ng paniniwalang hindi tayo magkakasundo ngunit hinahangaan kong namatay ka sa nang may paninindigan sa iyong paniniwala.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment