Love language: simba tayo
There are 5 love languages according to Chapman. Iba-iba ang paraan natin ng pagpapadama ng pag-ibig. But I think inviting someone to church is one of the best love languages.
If you love someone you would want the best for that person. Inviting someone to listen to the exposition of the Word of God is definitely one of the ways to want the best for a person.
In the chapel, a person will be able to hear the message of life. Malalaman niyang hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili ngunit si Jesus ay namatay sa krus sa isang layon - ang bayaran ang ating mga kasalanan. Ginawa Niya ito upang ang kasalanan ay hindi maging hadlang sa pagitan ng tao at ng Diyos. Sa chapel malalaman niyang ang tanging dapat gawin ng tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Jesus.
Sa chapel niya malalaman ang kahalagahan ng doktrina sa pagpalago ng pananampalataya. Ito ang magpapalakas ng kaniyang kaluluwa upang lumago sa maintimasyang relasyon sa Diyos- yung tipong hindi bumibitaw kahit nasa gitna ng krisis. Sa halip lalong lumalapit. Doktrina ang nagtuturo sa kaniyang harapin ang pagsubok ng buhay nang may kagalakan. Ito rin ang nagtuturo sa kaniya kung paano maging ilaw sa madilim na sanlibutang ito.
Sa chapel tuturuan siya kung paano gamitin ang kaniyang kaloob sa ikalalago ng bawat isa at kung paano maabot ang iba ng mensahe ng buhay.
Sa chapel malalaman niya kung paano magkaroon ng kabuluhan ang buhay. Malalaman niya ang kahulugan ng fellowship sa mga like-minded brethren. Magigi siyang mabuting tao.
Hindi ba at iyan ay love?
Kaysa yayain ang tao sa inuman, sa sugalan o sa kasamaan, na lahat ay magdadala ng kapahamakan, mas maiging yayain ang iyong mga mahal sa buhay sa simbahan.
Ikaw, sino ang iimbitahan mong bumalik sa simbahan?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment