They will hate you because you're an offense to them

 


Huwag kang magtaka kung bilang isang Cristiano, may kalaban ka. Bukod sa sanlibutang nababalot ng poot laban sa Cristiano, ang mga karnal na Cristiano ay isa pang source ng pag-uusig. 

Ang Cristianong lumalakad sa laman ay natitisod sa Cristianong lumalakad sa Espiritu. 

Bakit? 

Dahil ang iyong pamumuhay ay isang patotoo laban sa kanilang makamundo at makalamang pamumuhay. 

Ang iyong paglakad sa liwanag ay nakasisilaw sa kanilang madilim na pamumuhay. Kahit hindi ka magsalita, ang kumbiksiyon sa kanilang puso ang magreresulta sa pagkamuhi sa iyo. 

Ano ang dapat nating gawin? 

Hindi natin mapapatay ang apoy gamit ang apoy din. Sa halip, manatili tayo sa lilim ng Panginoon at ibigay ang laban sa Kaniya. Huwag nating subukang ilagay ang hustisya sa ating mga kamay dahil may Diyos tayong gaganti para sa atin. 

Mapuno tayo ng pag-ibig at sikaping abutin ang kapatid pabalik sa Panginoon. Sa ganitong paraan ililigtas natin ang kanilang buhay mula sa kamatayan. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran