Last words

 


Ilang minuto (not the most immediate) bago mapatay si Charlie Kirk nagpatotoo siya sa Persona at Gawa ni Jesucristo sa krus. Bagama't hindi niya sinabing manampalataya kay Jesus bilang nag-iisa at tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, ito ay madalas niyang mabanggit (not exact words) sa iba niyang mga talks. 

Ang kaniyang life message hanggang sa sandali ng kaniyang kamatayan ay single and simple- Jesus Christ.

I probably will not agree with him 100% sa kaniyang theology but one thing I will agree with- he believes in Jesus and he loves him. 

Even in death, ang kaniyang messages ay nagdadala ng tao kay Cristo. 

Ayon sa reports, mas dumaming nagsimba days after his murder. Even liberals testify how he changed their thinking and living. 

In many ways, his blood still speaks. 

Ang kaniyang life and death message still communicate. 

Ang tanong, ano ang magiging last words natin sa panahong kumatok si Kamatayan sa ating mga pintuan?

Are we testifying about Jesus? Will people come to faith in Jesus as a result of our testimony? 

Or will we, to the last breath, still thinking about this world? Last words natin ay laging paano magkaroon ng kayamanan sa lupang ito? Paano magkaroon ng pangalan?

Hindi alam ni Kirk na iyan ang huling araw ng kaniyang buhay. That's what makes it even more significant. Kung alam ng tao ang araw ng kaniyang kamatayan, maaaring mamuhay siya nang masama buong buhay niya at magbago sa huling sandali. Si Kirk ay walang binago hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay. Dumating si Kamatayan sa gitna ng kaniyang gustong gawin- ipakilala si Jesus sa lahat ng handang makidayalogo. 

Sana, kahit paano, may mga taong naimpluwensiyahan ako para kay Jesus. Otherwise, life is kinda bummer. What's the use of a life that is useless for Him? 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran