Life is strange
This reminds me of Job. Sabi niya hubad tayo dumating sa mundong ito at hubad din tayong aalis. That is the reality of life and Job have peace on it. The problem is in between, inuubos natin ang ating oras sa paghahanap ng mga bagay na sasaplot sa ating lamang lupa at hindi sa ating kaluluwa.
Ilan sa atin ang kailangang basahing muli ang turo ng Panginoon sa Mateo 6. Ang ating mga puso ay nag-aalala sa kakainin at susuutin natin; nalilimutan nating ang Diyos na makapangyarihan ay nagawang pakainin at damitan ang mga ibon at liryo. Tayo pa kayang nilalang sa Kaniyang larawan?
Sa halip na magpokus tayo sa mga permanente, espirituwal at makabuluhang mga bagay, nakapokus tayo sa temporal, materyal at walang eternal na kabuluhan. Ang puso natin ay nasa lupa, hindi sa mga bagay sa itaas. Pinipili natin ang mamon sa halip na ang Diyos.
Tila tayo mga batang nasisiyahan na sa pagligo sa baha samantalang ang Diyos ay nag-aalok ng 5 star resort and hotel.
Nasisiyahan tayo sa temporaryo kaysa sa eternal.
Matuto nawa tayong mabuhay sa liwanag ng eternidad. Anumang ating gawin, tanungin natin ang ating sarili, ano ang implikasyon nito sa eternidad?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment