Mga Obispo
Filipos 1:1 Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos, pati ng mga obispo at ng mga diakono: Ang pagbati ni Pablo ay nakadirekta sa dalawang grupo: 1. Mga banal kay Cristo Jesus na nasa Filipos; 2. Mga obispo at diakono. Sa mga nakaraang blogs, nakita nating ang mga banal ay tumutukoy sa mga mananampalataya kay Jesus. Sa sandaling ang isang tao ay manampalataya kay Jesus, siya ay may buhay na walang hanggang at tinawag na banal. Hindi na kailangang siya ay mamatay, imbestigahan ng mga punong eklesiastiko ang kaniyang buhay, at gumawa ng himala sa kaniyang pangalan; ang banal ay sinumang sumampalataya kay Jesus. Siya ay banal dahil siya ay kinuha ng Espiritu Santo mula sa sanlibutan at inilagay kay Jesus na Banal. Kay Cristo nakibahagi ang mananampalataya sa buhay, katuwiran, kabanalan at eternalidad ni Cristo. Siya ay nakatalaan para kay Cristo. Sa nakaraan ding blogs, tinalakay natin na ang presensiya ng mga obisp