Huwag nangabalisa
Filipos 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus. Ang ating katiyakan ng pagbabalik ng Panginoon ay dapat magbigay sa atin ng katahimikan ng isip, at hindi kabalisahan. Anumang mangyari sa mundong ito, may katiyakan tayo ng pagbabalik ng Panginoon upang kunin tayo at gantimpalaan sa ating katapatan. "Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay." Nang sinabi ito ni Pablo, nangangahulugan ito na hindi tayo dapat mag-alala sa anumang bagay- problema man sa pamilya, sa pananalapi, sa propesyon, sa pag-aasawa o sa anupamang nagbibigay sa atin ng kabalisahan. Walang sinumang tatangkad dahil sa pag-aalala at walang problemang masosolusyunan ng pag-aalala. Sa halip ang bawat problema na ating hinaharap ay oportu...