Why not? What's the issue?
I am not sure why this becomes a big deal though I have my suspicion. Maraming taong nagtagumpay sa buhay (tumubo sa negosyo, nakapasa sa board exam, nanalo ng acting awards, etc) ang regular na in-ascribe sa Panginoon ang kanilang tagumpay pero walang nagtaas ng kilay kung paano sila tinulungan ng Panginoon.
My suspicion is hindi gusto ng mga critics kung anuman ang "sinabi" ng Panginoon. Sa kulturang hindi marunong makipagdayalogo, ang tanging alam gawin ay cancellation.
This is immaturity.
Now to be clear, hindi ako pabor sa metodo ni Alvin Aragon. In a previous blog I write on "Making enemies for the sake of making enemies" (see here: https://nietobiblepage.blogspot.com/2026/02/making-enemies-for-sake-of-making.html) . In my opinion there is more gracious way of sharing God's Word. And in my opinion we have to make a careful distinction between what the Bible actually says and what we think it says (yes I believe wearing bra is an area of freedom, ni walang bra noong panahon ng mga apostol).
But my purpose here is not to defend Alvin Aragon. My purpose is to talk on hearing from the Lord. Ano ba ang big deal?
Kanino ba ninyo gustong makarinig? Sa sanlibutan?
No thank you.
Now do I believe the Lord talk to Alvin Aragon audibly? No I don't. I believe that the moment John penned Revelation, wala ng additional messages ang Diyos. We have to stick to His written Word, the Bible. Kung nakausap niya si Lord personally, verbally and audibly, interested akong hingiin ang cellphone number ni Lord o Kaniyang FB account.
Possible ba sa dreams or visions? Maybe. But then the burden of proof kung ang vision o dream ay galing sa Diyos, kay Satanas o personal lamang na opinyon ay dapat ma-established. In my opinion, this is imposible. Hence the only objectivity is in the written Word of God.
My guess is what he meant is impression. That is as a result of his study of the Word of God, experience and training, na-conclude ni Alvin na ang pag-resign ni Izzy ay will of God. I can confirm na ang mga salitang "fishers of men" is directed to the apostles and not to Alvin or Izzy. What he is doing is drawing an analogy. Kung paanong iniwan ng mga apostol ang pangingisda to become fishers of men, iniwan ni Izzy ang Sexbomb to become modern day fishers of men.
If you think about it, this makes sense. There really is nothing to fuss about.
Nagiging issue lang ito dahil sa ayaw ng mga critics sa stand ni Alvin sa purity culture at LGBTQIA. And let's be honest, medyo offensive rin ang method. But if one sticks with the message rather than the messenger, communication can happen.
If sa conviction ng mag-asawa ang pagsayaw ni Izzy ay salungat sa pagiging fishers of men, paki ba naman ng iba. Kung gusto ninyo kayo ang sumayaw.
In future blogs, I will address the issue of being gracious in sharing the message of the Lord. For now gusto ko lang ipakitang walang masama o weird sa sinabi ni Alvin na pinag-resign ni Lord si Izzy.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment