Nangungulila sa isang Ama



Nangungulila ka sa pagmamahal ng isang ama. Maaaring hindi mo ito maramdaman dahil siya ay pumanaw na o marahil ay nasa malayo dahil nagtatrabaho. O siguro siya ay sumakabilang bahay at winasak ang inyong pamilya. O nandiyan siya sa bahay ngunit milya-milya ang pagitan dahil sa sobrang lamig niya sa pamilya. 


Alam mo bang may isang Persona na nais na maging Ama sa iyo kung Siya ay iyong pagbibigyan? Na maibibigay Niya ang pagkalinga at pag-aaruga na marahil ay iyong hinahanap? 


Sa laki ng pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, sa mga taong kagaya mo, sinugo Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, si Jesus, upang tubusin ka sa mga kasalanan at gawing posible ang isang relasyon sa Kaniya. Sa krus, binayaran Niya ang kasalanan ng buong sanlibutan, Siya ang naging pampalubag-loob sa kasalanan ng kahat, upang walangaging hadlang sa sinumang nais magkaroon ng relasyon sa Kaniya. 


Ang pangako ng Biblia ay posible kang magkaroon ng relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniyang Anak. Ang Ama ay eternal at kung mananampalataya ka kay Jesus, ikaw ay magkakaroon ng eternal na buhay. Dahil dito maaari kayong magkaroon ng eternal na relasyon ng Ama.


Juan 1:12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan.


Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.


Galatia 3:26 Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.


Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at ikaw ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ikaw ay magiging anak ng Diyos, isang relasyong hindi matitibag anuman ang mangyari. Anumang kakulangan ng iyong ama sa lupa, hayaan mong ang Ama sa langit ang magpuno. Manampalataya ka kay Jesus ngayon.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)



Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama