Silence is better than making a point

 


Masdan mo kung paano mag-away ang mga bata. Kahit ano pinagsasabi just to make a point. Madalas may kasama pang mapanuyang pagtawa. 

Matured people don't act like that. Matured people state their point, let others chew on it and leave it as it is. Hindi galawan ng mga mature ang makipagsagutan just to make a point. In many cases kinikilala niyang masabuting manahimik sa gilid. 

Nakalulungkot na ang ating politika ay tila away ng dalawang immature na bata. Ngunit mas nakalulungkot kapag ang pulpito ay nagiging source ng malabatang pananalita. 

Ang pulpito ay ang dapat pagmulan ng sistematikong pagtuturo ng Salita ng Diyos na ikalalago ng mga tagapakinig. Hindi ito dapat maging moog ng mga batang nangangantiyaw sa ibang relihiyon. 

Yes hindi maiiwasang mabanggit ang kamalian ng ibang relihiyon sa pulpito kung ang mga ito ay labag sa tinuturo ng Biblia. Ngunit dapat nating tiyaking ito nga ay laban sa Biblia at hindi laban sa personal lamang nating preperensiya. 

Lagi kong sinusulat sa aking blog na dapat nating ituro ang lahat ng nalalaman ng Kasulatan ngunit maingat natin itong ihiwalay sa personal na kurokuro o opinyon. 

Lagi kong binabanggit sa aking mga blogs na dapat tayong makilala for what we believe rather than what we are against. Ituon natin ang ating lakas sa pagpapahayag ng biyaya at pag-ibig ng Diyos, hindi ang makipagsiraan sa ibang relihiyon. Hayaan mong ang mga repormista sa loob ng kanilang relihiyon ang maglinis ng kanilang kalat. Asikasuhin natin, patibayin at palakasin ang sarili nating grupo. 

At kung mayroong mahilig makipagtalo, the mature response is silent. Let him brew sa awkwardness ng silensiyong kaniyang nilikha. Hindi mo kailangang magreply sa lahat ng opinyon. You have to be selective sa mga bagay na iyong papatulan. 

Kung ang isang bagay ay hindi magpopromote ng biyaya ng Diyos, mas maiging palagpasin mo na lang sa kabilang tainga. On the other hand, kung ang isang bagay ay nagdi-distort ng biyaya, kailangan itong i-address nang ayon sa Biblia. 

Walang mararating ang makipagtalo for the sake ng pakikipagtalo. If it is not a big deal, just remain silent. 

May panahong darating na lahat ng pagsusulit ay magaganap. Until then, try to live in peace. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama