God can use you


Ang ministry ay hindi lamang sa kamay ng pastor at ng mga diakono. Bawat Cristiano ay nasa full-time Christian service.

Nasaan man tayo sa buhay, nilagay tayo ng Diyos sa lugar na iyan upang maglingkod sa Kaniya.

Nilagay tayo diyan upang maging ilawan sa mundong madilim. 

Sa pamamagitan ng Kaniyang mga anak na nakakalat sa buong mundo, sinisiguro Niyang ang lahat ay makaririnig ng mensahe ng buhay. 

Ang nakalulungkot ay tikom ang bibig ng Kaniyang mga anak. Sa halip na maging saksi sa Kaniyang nagliligtas na biyaya, madalas sila pa ang kinatitisuran ng mga tao sa paligid. 

Hindi nakikita ang biyaya ng Diyos sa kanilang mga buhay. Sa halip ang nakikita ay legalismo at judgmentalism. 

Marami tayong mga rason upang huwag maglingkod ngunit nilagay tayo ng Diyos sa lugar na iyan dahil alam Niyang diyan tayo pinakaepektibo para sa Kaniyang layon.  

Tanggapin natin ang Kaniyang layon para sa ating mga buhay at gaya ni Joshua gagamitin Niya tayo para sa Kaniyang purposes. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama