Find your happiness in God
You are responsible for your happiness. Hindi hawak ng ibang tao ang susi ng iyong kasiyahan.
Ang tunay na kasiyahan ay nasa Diyos. Nilalang tayo ng Diyos upang makasumpong ng kasiyahan sa Kaniya. Ang nakalulungkot ay hinahanap natin ito sa ibang tao.
Anong laking frustration kapag ang taong inaasahan nating magbibigay ng kasiyahan ay nagdala ng kalungkutan.
We feel betrayed.
But the truth is walang nagsabing ang kasiyahan natin ay responsibilidad ng ibang tao.
We are responsible for our own happiness and if we are wise we'll find it in God.
Hindi mo masusumpungan ang kasiyahan sa mga panlabas at temporaryong mga bagay. Hindi mo masusumpungan ang kasiyahan sa mga eksternal na sirkumstansiya. Kapag nagbago ang mga sirkumstansiya o nawala ang mga bagay, mawawala rin ang ating kasiyahan.
Ang kasiyahang hindi mawawala ay masusumpungan lamang sa hindi nagbabagong Diyos. Sa Kaniya lamang ang tunay na kasiyahan.
Huwag ninyo hayaang kontrolin ng ibang tao ang iyong kasiyahan. Don't be a slave to other people. Find your happiness and freedom in God.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment