We need Jesus to live
May masamang panahong nag-aamba sa Bikol. Maaaring mag-landfall ito o maaaring hindi. Pero marami na ang naghahanda, nagtitipon ng pagkain, inumin, mga solar lights in case mawalan ng kuryente at marahil recharge fans for ventilation. Alam nating kailangan natin ang mga ito upang mabuhay at sa gitna ng mga unos, pinapasiguro natin ang mga ito.
Ngunit maraming tao ang nakalilimutang maghanda sa mas malaking panganib. May impiyernong naghihintay sa lahat ng mamamatay na walang Cristo sa kanilang mga buhay.
Namatay si Jesus sa krus sa isang layon, ilapit ang taong nilayo ng kasalanan sa Diyos, at upang ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Namatay si Jesus upang alisin ang hadlang ng kasalanan. Namatay si Jesus upang maging pampalubag-loob sa kasalanan.
Tinapos ni Jesus ang gawa ng kaligtasan sa krus. Ang tanging magagawa na lamang ng tao ay ang tanggapin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo para rito. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31.
Siya ang ating Tinapay na ang sinumang kumain ay hindi kailan man magugutom. Siya ang Tubig na ang sinumang uminom ay hindi mauuhaw kailan man. Siya ang Hininga ng Buhay na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Siya ang Liwanag sa dilim na nagbibigay buhay sa katawan. Ang mga ito ay metapora ng katotohanang ang sinumang manampalataya ay may buhay na walang hanggan, Juan 6:47.
Sinong hangal ang tatanggi sa pagkain, inumin, hangin at ilaw? Ngunit maraming tumatanggi kay Cristo dahil mas gusto nilang manangan sa kanilang relihiyon, sa kanilang kabutihan at sa kanilang magagawa.
Do not make this mistake. Believe in Him habang may panahon pa dahil kung mamatay kang hindi nanampalataya kay Cristo, ang naghihintay ay paghuhukom, Heb 9:27; Juan 3:18.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment