The unsung heroes

 


Kapag nabanggit ang salitang ministry, marahil ang unang pumapasok sa inyong isipan ay mga taong may titulo ang pangalan - ang pastor, ang song leader, ang youth president, ang diakono o and Sunday School teacher. For some reason, kung wala kang opisyal na titulo, hindi ka manggagawa. 

Dahil sa ganitong mindset, ang ordinaryong miyembro ay nagiging pasibong konsumidor. Kuntento na siyang maupo at makinig sa monologo at mag-abot ng barya kapag abuluyan. Labas sa mga gawaing ito, wala na siyang ambag sa ministri. 

This is a mistake. 

Nalilimutan ng maraming kung wala ang "laity" (whatever that means), malamang hindi kakalat ang unang simbahan. 

Acts 8:1,4

[1]Saul was in hearty agreement with putting him to death. And on that day a great persecution began against the church in Jerusalem, and they were all scattered throughout the regions of Judea and Samaria, except the apostles.

[4]Therefore, those who had been scattered went about preaching the word.

Sa Gawa 8 makikita natin ang pag-uusig ni Pablo sa unang simbahan. Ang mga  Cristiano ay nangalat sa Judea at Samaria maliban sa mga apostol na naiwan sa Jerusalem. 

Pansining ang pag-uusig na ito ay indirectly naging dahilan upang mangalan ang Salita. 

Ngunit sino ang nagpakalat? Naiwan ang mga apostol sa Jerusalem. Ang gawain ng pangangalat ay naiwan sa kamay ng mga hindi apostol. Samakatuwid ang mga ordinaryong lalaki at babae ang naging mga behikulo ng evangelization ng Samaria at Judea.  

And what is true then is true now. Ang mga miyembro ay mahalagang bahagi ng simbahan. 

Ang mga "ordinaryong miyembro" ng simbahan ay kasinhalaga ng mga "ministro" kung ang pag-uusapan ay paglilingkod. 

Huwag ninyo hayaang i-bully kayo ng mga ministro into silence. You are not supposed to be spectators. You are a crucial part of serving God. 

You are the real heroes of the church. Serve Him. Use your gifts. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama