Storage Full

 


May email akong hinihintay ngunit hindi pumapasok. Ang dahilan ay full storage na. Upang makapasok ang email, kailangan kong mag-delete ng ilang emails at ilang larawan. 

Ang cellphone na full storage ay bumabagal. Ang ibang apps nga ay maaaring hindi na gumana. 

Kung gusto mong maging episiyente ang iyong phones, mabuting regular itong linisin sa pamamagitan ng pag-alis ng hindi kailangang larawan, videos o apps. 

Nakikita ko rito ang isang analohiya sa ating espirituwal na buhay. Maraming espirituwal na buhay ang hindi episyente sa pagluwalhati sa Diyos dahil ang mga buhay na ito ay full storage. 

Punong puno ang buhay ng maraming bagay maliban sa mga bagay ng Diyos. 

Abala sa paghahanap ng pera, abala sa karera, abala sa bisyo, abala sa mga kaibigan... maraming kaabalahan ang isang Cristiano anupat napapabayaan ang espirituwal na buhay. 

Walang time magbasa ng Bible, walang time manalangin, walang time magsimba, walang time maglingkod... Weird dahil bawat isa sa atin ay binigyan ng pare-parehong 24 na oras. 

Ang naghihiwalay sa isang buhay na nakalulugod sa Diyos at sa buhay na hindi ay kung paano gamitin ang 24 oras na ito. 

Kung ang iyong buhay ay puno ng mga bagay na humahadlang sa iyong mamuhay sa biyaya, ikaw ay nagsasayang ng oras. Sinabi ni Pablong tubusin ang panahon dahil ang panahon ay masama. Ang panahon ay maikli at dapat nating i-maximize ang paglilingkod sa Kaniya. 

Kung masyadong puno ang iyong oras ng maraming bagay at maraming kaabalahan, minumungkahi kong panahon na mag-delete ng mga bagay na hadlang sa mabungang relasyon sa Diyos. 

Marahil kailangan mong putulin ang isang relasyong hindi nakaluluwalhati sa Kaniya o itigil ang isang bisyong umuubos ng iyong oras. Marahil nangangahulugan itong pagpapalit ng trabaho o paglipat ng tirahan. Anumang bagay na kailangang gawin upang makapaglingkod ng lubos sa Kaniya ay dapat prioridad natin.

Anong hadlang sa maintimasyang pakikisama sa Diyos? Marahil panahong magnilay at siguruhing may space ang Diyos sa ating buhay. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama