Salamat sa mga mothers na nagpalaki ng anak sa Panginoon

 


Isa sa pinakamahalagang ministri sa simbahan ngayon ay ang motherhood. Higit sa ministri ng pulpito (at sinasabi ko ito bilang isang pulpiteer), ang mga ina ang may pinakamalaking impluwensiya sa kanilang mga anak. 

Oo ang mga pulpiteer expositor ng Kasulatan pero ang mga ina ang nagdedemonstrate nito sa harap ng kanilang mga anak. Gaano man kahusay ang exposition, madalas ito ay dumaraan lamang sa mga tainga ng nakikinig. Mas marami ang natututo kapag live nilang nakikita ang lessons. 

Maituturo ng ministro ang biyaya at pag-ibig sa pulpito ngunit mas naaapreciate ito ng mga bata kung kanilang nakikita sa buhay ng kanilang mga magulang. Maituturo ng ministro ang kapangyarihan ng Diyos at ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Kaniya pero mas natutunan ito kung ang mga magulang ay nagtitiis sa gitna ng problemang ekonomikal nang tumitingin sa Diyos. 

Ang mga ina ang madalas na kasama ng mga bata sa bahay kaya sila ang may pinakamalaking impluwensiya sa kanila. Kung seseryosohin ng mga Cristianong ina ang ministring ito, mas mabilis na lalago ang mga bata sa pananampalataya. Magkakaroon sila ng loyalty sa simbahan at hindi sila madadagit ng iba.

Ang sanlibutan ay walang kapangyarihan sa batang impluwensiyado ng maka-Diyos na ina. Ang mga ina ang unang humuhulma sa kanilang isipan at sila rin ang huling bantay laban sa sanlibutan. 

Ang mga nanay ang katuwang ng Diyos upang hulmahin ang Kaniyang mga anak sa larawan ng Kaniyang Anak. Ang kanilang maingat na pangangaral at paggabay ay malaking tulong upang ang mga bata ay lumaki sa daan ng Panginoon. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama