Sadly true


Unfortunately this is true. Every time na may bagyo, marami ang naghahanda para harapin ito. Inaayos at pinagtitibay ang mga bahay, bumibili ng mga pagkain at inumin at nagtitipon ng mga kandila. Sinisiguro nating anumang mangyari, ready tayo. 

Ngunit pagdating sa kaligtasan, marami ang hindi handa. They are just winging it. Umaasa na lang silang sana sapat ang kanilang kabutihan upang i-offset ang anumang kasalanan. 

This is a foolish way to live. 

Malinaw sa Kasulatang lahat ay nagkasala. Unfortunately malinaw rin sa Kasulatang ang ating mga mabubuting gawa ay tila maruming basahan. Tumigil man tayong magkasala ngayon, we'll still be as far away from God as when we're actively sinning. And even if we spend the rest of our lives doing good, we're just accumulating filthy rugs. Lalo lamang nating binabaon ang ating mga sarili sa utang. 

Si Cristo ang tanging kabayaran ng kasalanang tinatanggap ng Diyos. Siya ang pampalubag-loob sa ating mga kasalanan. Siya ang Korderong nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. 

Dahil si Cristo ang gumawa ng ating kaligtasan sa krus, wala na tayong maidaragdag pa rito. Ang magdagdag ng sariling kabutihan at ng relihiyon sa kaligtasan ay pagpapahayag na hindi sapat ang ginawa ni Cristo sa krus. 

Ang tanging magagawa lamang ng tao ay manampalataya kay Cristo. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31. 

Kung nais mong maging handa sa eternidad, manampalataya ka kay Cristo. Siya lamang ang daan patungo sa Ama. 

Ang taong nanampalataya kay Cristo ay may kasiguruhan ng buhay na walang hanggan. Huwag mong isugal ang iyong kapalaran. Siguruhin mo ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. 

Kung hindi ka pa handang humarap sa Diyos, ito ang tamang paraan upang maghanda. Sampalatayahan mo si Cristo para sa buhay na walang hanggan. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama