Promotion comes from the Lord
Ang pagtataas ay galing sa Diyos, sabi ng Salmista. Sa Awit 75 binabalaan niya ang hambog na huwag magpakahambog dahil ang pagtataas ay mula sa Panginoon. Sabi nga ni Jesus, ang nagmamataas ay ibaba at ang nagpapakababa ay itataas. Sabi ni Santiago sinasansala ng Diyos ang mga palalo.
Totoo ito noon. Totoo rin ito ngayon. Totoo ito sa bansang Israel. Totoo ito sa promosyon sa trabaho sa 21st century.
May mga empleyadong galing na galing sa sarili. May mga empleyadong tahimik at tapat na naglilingkod kahit walang nakatingin. Maaaring ang una ay mas visible, mas ingay, mas sipsip; maaaring ang huli ay hindi visible, tahimik at gumagawa kahit hindi nakatingin ang boss; sa biyaya ng Diyos, ibibigay Niya ang promosyon sa kung sino ang gusto Niya.
If God meant it for you, no one can take it away. If it isn't meant for you, walang pagmamadaling magbibigay niyan sa iyo.
I was reminded of this during the latest reclassification. Una congratulations sa lahat ng mga gurong na-reclassified into higher positions. Hindi ko alam kung ano ang interpretation nila rito, pero para sa akin this is an act of God's grace.
Marahil may mga nareclassed na feeling nila ay mahusay talaga sila. Sa ganang akin, ito ay kagandahang-loob ng Diyos.
Twice in the past, I applied for promotion. Twice, it was given to others. I will be honest. Hindi ako after sa rank. After lang ako sa dagdag na sweldo. Kaya nang hindi ko ito nakuha, nanghinayang ako.
Alam kung mas karapatdapat ang nakakuha ng pwesto because they work for it. Unlike sa akin na ang konsepto ng trabaho ay nakukulong sa 8 hours of daily work, ang mga nabigyan ng promotions na ito ay nagtatrabaho beyong office hours at kahit Sabado at Linggo.
Hindi ko ginawa iyon. Not because hindi ko kaya. It's because iba ang aking paniniwala. Ang mga oras labas sa work hours ay para sa pamilya at pananampalataya. I refuse to work kung ito ay makababawas sa aking oras para sa aking pamilya at pananampalataya.
Habang ang iba ay abala sa kaliwa't kanang pagsali sa mga seminar (ito ay requirements for promotion), kahit Sabado at Linggo, ako ay hindi. Sa aking pagpapalagay, gagastusin ko na lang ang pera sa aking pamilya. Hindi rin ako pupwede kapag Linggo dahil may simbahan akong pinaglilingkuran.
So expected ko nang mababa ang aking points sa promotion. Tanggap ko nang hindi ako makasasabay sa iba.
Decided na akong magretirong Teacher III. Sa aking isipan, malabong ma-promote ako dahil bata pa ang aming master teachers at head teacher.
Dito pumasok ang biyaya ng Diyos. Nagkaroon ng expanded career progression (ECP) ang gobyerno. Sa isang iglap nagkaroon ng opportunity na mag-move up hanggang Teacher VII, then Master Teacher positions (or Principal positions kung ang trip mo ay managerial).
I know this is grace and not works because there is no way na madidiktahan ko ang gobyernong bigyan ako ng promosyon. Dumating ito nang walang anumang gawa on my part so I am chalking this to God's grace. After all grace is unmerited favor. It is a favor you don't work for.
So I am thankful to God na nagkaroon ng ganitong oportunidad.
Nagpapasalamat din ako sa mga ginamit ng Diyos upang makasama ako sa reclassification na ito. Unang una kay Sir Jaime dahil siya ang humikayat sa aking magpa-reclassed. Without him, baka hindi ako sumali. Salamat din sa aking mga "kaklase" sa pagpareclass gaya ni Maam Aiza at Sir Erwin dahil nagtulungan kaming maka-comply sa requirements.
Malaking bahagi ng puntos sa ECP ay galing sa IPR. Maraming salamat sa aming Head Teacher na si Sir Joseph dahil generous siya sa pagbibigay ng marka. Habang ang ibang department ay pababaan sa marka, si Sir Joseph ay mataas magbigay. Salamat din sa aming mga master teachers na si Sir Rodolfo at Maam Elsie dahil mataas silang magbigay ng grades sa CO. Espesyal na pasasalamat kina Sir Renz, Maam Abegail at Maam Shiela dahil literal na kung wala ang mga ito, hindi ako makabubuo ng IPR. Majority ng aking mga MOVs ay nabuo sa tulong nila. Ganuon din kina Maam Angelica, Maam Zhannelle at buong Science department. Masuwerte akong bahagi ng department na walang inggitan.
Kung wala ang mga ito, malabong makabuo ako ng aking IPR. Weakness ko ang anumang uri ng paperworks.
Salamat sa mga observers ko during the Demo na nagbigay ng mataas (read: perfect scores) na marka: Maam Janeth, Maam Elsie, Sir Vic, Maam Helen, at iba pang hindi ko na maalala (sorry mahina ako sa pangalan). Salamat kay Sir Nerwin kasi kahit gabi, pinagbigyan niya akong ma-interview; nakiusap akong interbyuhin na kasi trangkasado na ako at natatakot akong hindi na makabalik kinabukasan. Salamat kay Sir Robert at mga kasama na nag-evaluate ng aming mga documents. Salamat Maam Lilibeth sa iyong pagtulong sa paperworks. Salamat sa lahat.
Promotion comes from the Lord through people that He used. Convinced ako na ito ay mula sa Panginoon at binigay Niya sa tamang panahon dahil dalawa na ang aking magkokolehiyo.
God is good. No one can convinced me otherwise.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment