Pero kaanib ako ng tunay na relihiyon
Ang buhay na walang hanggan ay hindi binibigay sa mga kaanib ng isang partikular na relihiyon. Ang buhay na walang hanggan ay taglay ng taong nanampalataya ky Cristo, Juan 3:16; Gawa 16:31; Ef 2:8-9.
Namatay si Cristo hindi upang magtayo ng isang relihiyon. Namatay Siya upang bayaran ang ating mga kasalanan at alisin ito bilang hadlang sa pagitan ng Diyos at ng tao.
Walang taong pupunta sa impiyerno ng dahil sa kasalanan. Binayaran ito ni Cristo. Ang tao ay pupunta sa impiyerno dahil hindi siya nanampalataya kay Cristo.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, kaanib man siya ng isang relihiyon o hindi.
Hindi relihiyon ang namatay para sa iyo. Hindi relihiyon ang bumili ng iyong kaligtasan. Hindi relihiyon ang pampalubag-loob sa ating mga kasalanan. Kaya huwag kang umasa sa relihiyon upang bigyan ka ng buhay.
Si Cristo ang namatay para sa ating mga kasalanan, 1 Corinto 15:3-4. Si Cristo ang namatay bilang pampalubag-loob sa ating mga kasalanan, 1 Juan 2:2. Siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan, Juan 1:29.
Tinapos Niya ang gawa ng kaligtasan sa krus. Wala tayong maidaragdag. Ang tanging magagawa natin ay tanggapin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang buhay na walang hanggan ay isang regalo. Hindi ito kabayaran o gantimpala dahil kaanib ka ng relihiyon. Ang kundisyon ay hindi umanib sa relihiyon kundi manampalataya kay Cristo.
Kung ang relihiyong kinaaniban mo ay nagtuturong walang kaligtasan labas sa kanilang relihiyon, binabati kita- kaanib ka ng isang kulto. Ang kaligtasan ay nasa isang Persona, si Cristo, hindi sa isang partikular na sekta.
Manampalataya ka kay Cristo para sa buhay na walang hanggan bago mahuli ang lahat. Huwag mong hayaang hadlangan ka ng relihiyong lumapit kay Cristo sa pananampalataya.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment