Open hands

 


Mahirap abutin ang isang milyon kung ang kamao ay nakatikom sa mga barya. Kung nais mong makuha ang milyon, kailangan mong buksan ang iyong mga kamay at pabayaan ang mga barya. 

To receive blessings, you need to let go of things that prevent you from receiving the blessings.

Ang dahilan kung bakit may mga bagay na tila pinagkakait ng Diyos o mga bagay na inaalis Niya sa ating mga buhay ay upang iposisyun tayo sa mga pagpapala. 

Marami sa atin ang nasisiyahan na sa mga bagay temporal at materyal kaya pinababayaan natin ang mga bagay espirituwal at eternal. Hindi natin nauunawaang mas mataas ang halaga ng espirituwal at eternal kaysa sa temporal at materyal. Takot tayong bitawan ang mga temporal at materyal dahil iniisip nating mawawalan tayo. Ngunit ang failure na bitawan ang mga ito ang nagdidiskwalipika sa atin sa mas mataas na pagpapala. 

Alam ng Diyos ang mga bagay na pinahahalagahan natin nang higit kaysa sa Kaniya. Alam Niyang ang mga ito ang humahadlang sa ating makamit ang Kaniyang pagpapala. Ang idolatriya ay may konsekwensiya. Nilalayo tayo nito sa Source ng mga pagpapala. 

Matuto tayong buksan ang ating mga kamay. Hayaan nating alisin ng Diyos ang mga bagay na humahadlang sa ating lumago sa Kaniya. Hayaan nating maalis ang mga hadlang sa mas malalim na pagpapala. Ang pagsasarado ng mga pinto ay isang realignment for a greater blessing. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama