May mga taong mahirap kausapon
May mga taong mahirap kausapin hindi dahil mahina sila magpaliwanag kundi dahil hindi sila nakikinig. Mas interesado silang marinig ang sarili nilang boses kaysa sinserong makipag-usap. Hindi nila magawang manahimik upang pagnilayan ang sinasabi ng kausap; madalas bago pa maunawaan ang isyu, may hatol na agad.
Ang resulta ay kawalan ng malalim na pagkakaunawaan at maayos na pakikipagtalastasan.
Kailangan nating matutunan ang arte ng pananahimik. Mayroon tayong dalawang tainga at isang bibig dahil mas kailangan nating makinig kaysa magsalita.
Para sa karamihan, ang pananahimik ay hindi komportable. Mas mabilis magsalita kaysa mag-isip. Nawawala ang agham ng pagninilay at pagtitimbang; sa harap ng mundong perpormatibo, ang layon ay hindi umunawa kundi magbigay ng impresyon.
Ang resulta ay mababaw na ugnayang agad napuputol kapag nakakuha ng bagong fans.
Matuto tayong makinig bago magsalita. May mga bagay na hindi dapat sagutin at may mga panahong mas maiging manahimik. Hindi natin kailangang laging ipahayag ang ating opinyon at may mga bagay, kahit totoo, na mas maiging hindi mabanggit. May mga panahong gustuhin man nating ipagtanggol ang sarili ay mas maiging ipagkatiwala sa Kaniyang Tagapaghiganti ng Kaniyang mga anak. Hindi natin kailangang ipagtanggol ang ating mga sarili kung ang Diyos ang ating Tagapagtanggol.
Hindi madali dahil ang ating tendensiya ay idomina ang iba. Gusto nating maghari ang ating opinyon, nais nating ihayag ang ating isipan. Ngunit habang ikaw ay nagmamaturo, malalaman mong ang katahimikan ay mas matimbang kaysa sa atensiyon.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment